http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=816727&publicationSubCategoryId=96
BOOM: Nagkaroon na ng contract-signing
event ang limang malalaking film outfit para sa partnership ng
pelikulang Si Agimat, si Enteng and Me na isasali sa Metro Manila Film
Festival (MMFF).
Limang produksiyon ang involved sa malaking proyektong ito, ang OctoArts, Imus, APT, MZet, at GMA Films.
Dumalo si Vic Sotto sa pirmahan at ini-announce na ngang si Judy Ann Santos ang kanilang leading lady.
Sinigurado nilang mas malaki ito kumpara sa mga nagawa nilang
pelikula, kaya hindi na nila iniisip ni Sen. Bong Revilla, Jr. kung
gaano kalaki ang gagastusin nila sa pelikula.
Bukod sa kanilang tatlo, marami pang mga malalaking artistang
involved sa pelikulang ito, kaya kung matitiyak na pasok ito sa mga
entries na pang-MMFF, ramdam na naming ito na ang mangunguna sa takilya.
No comments:
Post a Comment