http://www.push.com.ph/features/8041/jessy-mendiola-hindi-naman-pwedeng-parati-kang-lead-parati-kang-title-role/
by: Bernie Franco
Aminado si Jessy Mendiola na may kaba sa upcoming teleserye niya na Against All Odds na pagbibidahan nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby. Dagdag pa niya, para rin isang reunion ang teleseryeng ito dahil makakasama niya rito sina Tirso Cruz III at Mylene Dizon na nakatrabaho niya sa Budoy. Kabilang din sa cast sina Coney Reyes at John Estrada. “Nakaka-honor na makasama sa cast na napakabigatin. ‘Yung story itself hindi lang usual drama or romance. Meron din siyang suspense, action. Bigatin ang cast at ‘yung story, so wala ka nang hihilingin pa.”
Dagdag pa niya na kahit nabakante siya ng ilang buwan pagkatapos ng Budoy, worth it ang paghihintay niya sa project na ito. Bukod pa rito ay gagawa rin ng isa pang teleserye si Jessy with Matteo Guidicelli, ang Isla. Kasama rin siya sa upcoming movie na The Reunion.
“It’s worth waiting for kasi after Budoy parang ang naibigay sa akin, primetime soap ulit. Masaya lang na pinili nila ako along with very big stars, nakakagaan lang, and it’s worth to wait,” paliwanag niya.
Nai-launch na si Jessy in a lead role, via Sabel at naging leading lady na ni Gerald Anderson sa Budoy pero sa Against All Odds ay lumalabas na supporting siya. Hindi naman daw issue sa kanya ito. “Hindi naman pwedeng parati kang lead, parati kang title role,” paliwanag ng aktres. “There are moments na kailangan support ka, darating ‘yung time na magiging lead ka uli. It’s enough. I’m still young naman, I’m not in a rush. Nag-lead ako sa Sabel, nag-leading lady ako kay Gerald.”
Ang maging supporting character daw sa project ni Judy Ann ay isang malaking karangalan na para sa kanya at suwerte na siya na mapabilang sa malaking teleseryeng ito.
Leading man niya si Joseph Marco na nakasama niya sa Sabel. Hindi naman siya nababahala kung paiba-iba ang kanyang leading man sa bawat project niya. “’Di ako nagwo-worry kasi never akong nagkaroon ng permanent love-team. From Sabel to Budoy, to my other show and this one, [tapos]sa movie pa, iba-iba talaga lahat. I think it’s a good challenge na iba iba ang partners ko, at the same time makikita na kaya ko.”
Samantala, malaking blessing daw para kay Jessy na hindi lang sunod-sunod kundi sabay-sabay pa ang mga projects niya. “Dalawang shows ang gagawin ko ngayon, nakaka-overwhelm lang, three months kang nag-wait, ‘di ka binigla. Pero pagbigay sa ‘yo napakalaking blessing na nakuha mo; doing a movie, two [teleseryes], ang saya lang ng nangyayari ngayon.”
No comments:
Post a Comment