@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, June 6, 2012

Sam Milby on working with Judy Ann Santos: ‘Definitely highlight sa career ko’

http://www.push.com.ph/features/7979/sam-milby-on-working-with-judy-ann-santos-definitely-highlight-sa-career-ko/


by: Bernie Franco


060712-sam_main.jpg“Blessing talaga ang project na ito. Of course after the story conference with the whole cast, sobrang excited talaga ako,” pahayag ni Sam Milby pagkatapos ng story con para sa teleseryeng Against All Odds na pagbibidahan din nina KC Concepcion at comeback teleserye project ni Judy Ann Santos.

Ani Sam, sobrang excited siya sa kanyang magiging role. “’Yung character ko rito talagang iba kaysa sa mga roles na ginawa ko dati. Magiging challenge naman but I’m very excited.”

Offbeat daw kasi ang role kumpara sa mga dati niyang ginawa. “Hindi siya ‘yung tipong Sam na nakikita n’yo sa mga ginawa kong roles. Basta. Ayoko lang i-spoil kung ano ang role ko,” pambibitin pa niya.

Pangalawang proyekto naman nila ito ni KC na nakatrabaho na niya sa pelikulang Forever and A Day kaya advantage raw ito dahil komportable na sila sa isa’t isa. “So mas magiging madali para sa amin na we’ve worked together before. Malaking bagay to make it easier for the two of us, [the fact] that we have worked together.”

Hindi naman maipagkakaila ang kinang sa mga mata ni Sam nang banggitin na si Judy Ann ang makakasama niya rito. “Ito ang first time namin together, to be working with the Queen of Teleserye, definitely highlight sa career ko [and] buong cast din, Tito Pip (Tirso Cruz III), Tita Coney (Reyes), Jessy (Mendiola), Susan (Africa), John Estrada. It’s going to be really good.”

Kuwento pa ni Sam bago siya tumungo noon sa US para mag-audition sa Hollywood, alam na niyang may gagawin siyang proyekto pagbalik sa bansa pero hindi niya inasahan na mga bigatin pala ang kanyang mga co-stars.  “It was already planned bago ako umalis for the (United) States. May ipapalabas akong teleserye dito later this year, i wasn’t sure kung sino ang ka-partner ko, the story and everything. Nung nasa States, nalaman ko na ito ang gagawin ko,” kuwento niya.


No comments:

Post a Comment