http://www.pep.ph/news/34467/vic-sotto-on-rumored-cool-off-with-pauleen-luna-natatawa-na-lang-ako-ang-importante-alam-n/1/1
Vic Sotto on rumored cool-off with Pauleen Luna: "Natatawa na lang ako. Ang importante, alam n’yo naman kung ano ang tunay na nangyayari.”
Limang producers ang pumirma ng kontrata kahapon, June 12, para sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si ME na ilalahok sa Metro Manila Film Festival 2012.
Ang limang film producers ay ang OctoArts Films, Imus Productions, APT Entertainment, M-Zet Productions, at GMA Films.
Um-attend sa contract signing sa UCC Café Greenhills sina Orly Ilacad ng OctoArts, ang magkapatid na Rowena Bautista-Mendiola at Andrea Bautista-Ynares ng Imus, Mr. Tony Tuviera ng APT, Vic Sotto ng M-Zet, at Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films.
JUDY ANN SANTOS. Doon na rin sa contract signing inanunsiyo ni Vic na si Judy Ann Santos ang leading lady nila ni Senator Bong Revilla sa pelikula.
Si Judy Ann siyempre ang ME sa titulo bilang Maria Esguerra ang pangalan ng karakter na gagampanan nito.
Hindi naman daw sila nahirapan na kunin ang aktres nang ipinaliwanag nila ang role na gagampanan nito sa pelikula.
Sabi ni Vic, “Si Juday naman, hindi mo puwedeng tawaran ang kakayahan niya. She’s a Box-Office Queen, we know that.
“Sa Metro Manila Film Festival, ilang beses din kaming nagkatapat.
"And Juday is Juday—she has a very big following lalo na sa mga babae, sa mga kabataan din.
“And we made sure na ang karakter niya rito would be at par with Agimat and Enteng Kabisote.”
Ipinaliwanag na rin doon ng production designer ang set at mga costume na isusuot ng bawat karakter na gaganap sa naturang pelikula.
Sa paliwanag pa lang ng production designer ay mukhang matindi ang gagastusan ng produksyon.
Sabi naman ni Bossing Vic tungkol dito, “Pikit-mata na lang na titirahin namin ito ni Senator Bong.
“Kasi, paano mo malagpasan yun ginawa namin noon, siyempre daanin sa production, daanin sa istorya…
“At higit sa lahat, mag-introduce ng bagong karakter na makakadagdag at makakasalamuha namin ni Agimat,” paliwanag nito.
Unang nagsama sina Bossing Vic at Senator Bong sa Si Agimat At Si Enteng Kabisote, na naging topgrosser noong Metro Manila Film Festival 2010.
No comments:
Post a Comment