Sunday, June 17, 2012
Nora, Cesar at Eugene, tablado sa MMFF 2012!
Sibak ang mga entries ng ilan sa malalaking artista na nag-submit ng titles para sa 2012 Metro Manila.
Inihayag na ang walong official entries last Saturday at hindi nakapasa ang solo movie ni Nora Aunor (although leading lady siya ni ER Ejercito sa napiling entry nito na El Presidente), Cesar Montano, Eugene Domingo at pati na ang Thailand superstar na si Mario Maurer.
Gaya ng mga nakaraang taon, nangingibabaw ang entry nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla, Jr. and this time, ang young superstar na si Judy Ann Santos ang kasama nila sa Ang Agimat, Si Enteng & Me.
Pasok din uli ang entry ni Kris Aquino and this time, silang dalawa naman ni Vice Ganda ang makikipagbakbakan sa mga festival giants sa movie nilang Sisteraka.
Dalawang Angel naman ang magsasalo kay Dingdong Dantes, sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa Star Cinema entry nitong One More Try. Nag-swak naman sa panlasa ng committee ang Lola Basyang ng Unitel na isang twinbill na ang bentahe ay ang fantasy concept.
Siyempre pa, pumasok uli ang bagong installment ng Shake, Rattle & Roll 14 ng Regal Entertainment, Inc. na sina Vhong Navarro, Dennis Trillo at Lovi Poe ang ilan sa leads. Ang Master of Horror na si Chito Roño ang alam naming magdidirek ng tatlong episodes. Makakalaban nito ang isang horror film na The Strangers na pagbibidahan ng dating lead stars ng Mara Clara.
Surprise entry para sa amin ang Conyo Problems ng GMA Films nina Aljur Abrenica, Solenn Heussaff, Bianca King at iba pa.
http://www.abante.com.ph/issue/jun1812/ent_jn.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment