Sa internet at pahayagan, kanya-kanyang manok ang media at filmfest insiders.
Sa best actress matunog ang pangalan nina Judy Ann Santos, ang matapang na breadwinner sa “My Househusband: Ikaw na!”; Maricar Reyes, ang ine-engkantong bulag na ina sa “Shake, Rattle and Roll 13”; at Ai-Ai de las Alas sa “Enteng ng Ina Mo.”
“Nakakatakot naman po talaga ‘yung mga trabaho ko. ‘Yung mga make-up ko, when I saw them, you do not want to run into them in the dark," sabi ni Maricar.
Reporter: “Kung papapiliin ka kung box office o award?”
Judy Ann: “Puwede both?”
Pero, hindi rin matatawaran ang pagganap nina Maricel Reyes at Kris Aquino.
Sa best actor, angat naman ang pangalan nina ER Ejercito para sa “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” at Dingdong Dantes, ang lalaking naghahanap ng ikalawang pag-ibig sa “Segunda Mano.”
“Hollywood-ist po ang paggawa ng ‘Manila Kingpin.’ Sana po makahakot po ito ng awards sa [December] 28, at sana po walang politikang mangyari,” pahayag ni ER.
Itinatago pa ng filmfest ang identity ng 15 judges na huhusga sa 7 filmfest entries. Pero, sinabing anim sa kanila ay mula sa masa—kabilang na ang isang bus driver, estudyante, OFW, housewife at public school teacher.
Sa best supporting actor naman, malakas ang pangalan nina John Regala sa “Asiong Salonga” at Philip Salvador sa “Panday 2.”
Lutang naman si Kathryn Bernardo sa “Shake, Rattle and Roll 13,” Angelica Panganiban sa “Segunda Mano” at Eugene Domingo sa “My Househusband.”
“Ang gusto naming lahat, hinihikayat namin kayo, ngayon walang Hollywood films, please naman manood na kayo. Kahit na anong trip niyo,” panawagan ni Eugene.
Bibigyan din ng hiwalay na parangal ang 15 entries sa new wave indie film section ng filmfest, kung saan matunog ang “HIV” nina Jake Cuenca, Iza Calzado at Isabel Lopez; at “Pintakasi” nina JM de Guzman at Erich Gonzales. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino.
No comments:
Post a Comment