@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 27, 2011

Couple Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos reveal the best gift they received from each other



Couple Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos reveal the best gift they received from each other
Ryan Agoncillo says his wife is the best gift he received, while Judy Ann says that her hubby’s understanding and support is all she can ask for.
Sa halos tatlong taong pagsasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang mag-asawa, iba’t ibang pagsubok at intriga na ang kanilang kinaharap at nalampasan.

Kahapon sa Showbiz Central, isinawalat nila kung paano nila napananatiling matatag ang kanilang pagsasama.

Personal na ininterbyu ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez ang mag-asawang bida sa My Househusband: Ikaw Na!, na entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival 2011 ngayong Disyembre.

Unang napag-usapan ang pagiging sexy and slim ngayon ni Juday, na siyang palayaw ni Judy Ann.

Itinanong ni Raymond kung paano inalis ni Judy Ann ang sobra sa kanyang timbang matapos nitong ipanganak si Lucho.

“Diet at ‘tsaka exercise. Malaking factor talaga yung exercise.

“And, of course with Ryan, around, supportive siya kasi [sa pagpapapayat ko].”

Sa kanilang buhay mag-asawa, sino ang unang nagpapakumbaba kapag nagtatalo sila?

“Ako,” ang tumatawang sagot ni Juday.

“Kasi hindi ko kaya yung matagal na… lalo na kung ako yung may kasalanan.

“Pero, kapag nasa somewhere in between yung isyu namin, deadma lang kami pareho, kumbaga.

“‘Bahala ka kung kailan mo ako gustong kausapin!’

“Mabait siya, yung mabait talaga. Hindi naman siguro maipagkakaila yun,” pagtukoy niya sa asawang si Ryan.

Sabad naman ni Ryan, na tumatawa, “So lately, I’ve been trying to be nicer and it’s working naman. Pero kasi, baka manibago.”

“Finish these sentences and explain the answer” portion naman ang isinunod ni Raymond sa mag-asawa.

Kapag mainit ang ulo ng asawa ko, I would…

“I would go to the den and play video games,” ang tumatawang sagot ni Ryan.

Ayon naman kay Juday…

“Depende. Kapag sa akin siya may isyu, aalis ako ng bahay, magpapa-spa, magpapaganda, magdyi-gym.”

And after ilang oras, okay na ulit?

No comments:

Post a Comment