@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 6, 2011

‘Reality movie’ ang ‘My Househusband’


Manila, Philippines – Malinaw ang gustong ihandog ng award-winning director na si Joey Reyes sa forthcoming Metro Manila Film Festival entry ng OctoArts Films na My Househusband: Ikaw Na, ang isang bahagi ng tunay na buhay.
“Ngayong Pasko ay makikita ninyo ang sarili n’yo o isa man lang sa mga kakilala n’yo sa pelikulang ito,” sabi niya. “Each of the MMFF entries has its own slant and for us, we offer nothing fantastic, just reality — ang that’s our edge.”
At sino pa nga ba ang mas makakapag-deliver ng kanyang nais ihandog sa mga manonood kungdi ang real-life husband and wife na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos? Ayon kay Direk Joey, dahil sa dalawang bida niya ay mas napadali ang paggawa niya ng pelikula na, “Walang kapekean. They must be themselves because this film is about showing what’s really happening now,” kuwento ni Direk.
Napakalaking bentahe rin sa produksiyon ng My Househusband na hindi lang director-actor ang kanilang relationship kungdi true friendship. Maraming beses na silang nagkatrabaho at magkapitbahay pa. Ayon kay Direk Joey, sina Ryan at Juday sa likod ng camera ay “hindi showbiz”, isang bagay na dahilan ng kanyang respeto sa mag-asawa.
Ayon pa kay Direk, kumpara sa mga naunang pelikula na ginawa nilang tatlo, mas mabigat ang pressure ngayon kay Ryan dahil siya ang gumaganap sa titular role, na napasahan nito na lampas sa kanyang inaasahan.
“Because he’s not playing a father nor a husband this time — he is a father and a husband,” kuwento pa ni Direk Joey. “I’ve seen Ryan from the time he was single and I know that he has grown more responsible that ever if that’s possible. Like Judy Ann, he is bringing so much of himself in this film and moviegoers will sense that.”
Ang My Househusband ay tungkol sa non-traditional set-up ng married couple na sina Rod (Ryan) at Mia (Judy Ann). Si Rod ang naiiwan sa bahay at nag-aalaga sa mga bata at si Mia ang lumalabas para maghanapbuhay. Sinubok ng kinasuungan nilang mga sitwasyon ang relasyon.
Kabituin nila si Eugene Domingo bilang kapitbahay na kaduda-duda ang katauhan (kabit) na kinaaasaran ni Mia.
“This film recognizes the equality of sexes according to the times,” sabi pa ni Direk Joey. “Moviegoers will leave the theater with an even healthier appreciation of the roles of husband and wife, and yet also of the importance of individuality.”

No comments:

Post a Comment