Manila, Philippines – Paspasan na ang promo campaigns ng iba’t ibang entry sa Metro Manila Film Festival at usap-usapan ng moviegoers, maging ng industry insiders, na maaaring iuwi ng My Househusband: Ikaw Na ang top awards at ganoon din ang malaking kita sa box office.
Pinagbibidahan ng real life husband and wife na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, hindi pa man naipapalabas ay marami nang tagumpay na natamo ang My Househusband. Kasama nila sa pelikula ang undisputed comedy actress na si Eugene Domingo, kaya nabuo ang outstanding chemistry sa pamamahala ng director par excellance na si Jose Javier Reyes.
Ang kabuuan ay hindi maipagkakaila na pagsasamasama ng winners, kaya pinaguusapang nakabuslo na ang Best Picture, Best Director, Best Actor, Best Actress at Best Supporting Actress trophies na iuuwi ng OctoArts na iuuwi ng OctoArts Films kapag isinagawa ang awards night.
Naging realistic ang pagganap nina Ryan at Juday sa kanilang roles na walang masyadong pagkakaiba sa kanilang estado bilang married couple. Ayon na rin kay Direk Joey, kabilin-bilinan niya sa dalawa na gawing makatotohanan ang portrayal sa kanikaniyang papel. Rebelasyon sa My Househusband si Ryan, ayon pa kay Direk Joey, na nagbigay ng Best Supporting Actor nomination para kay Ryan sa FAP Awards nang gawin nila ang Kutob noong 2006.
`Tila ba hindi pa sapat ang winning tandem nina Ryan at Judy Ann, sinangkapan pa ni Eugene Domingo ang kuwento bilang si Aida, ang kabit na kapitbahay ng magasawa at naging BFF ni Ryan. Ito ang unang pagganap niya bilang best friend ng straight male.
“Ibang-iba ang point of view dahil du’n and since I have very few straight male friends in real life, playing Aida was very refreshing and challenging,“ aniya.
Hindi nakakapagtaka kung iuwi nga ng My Househusband: Ikaw Na ang major awards sa MMFF 2011.
No comments:
Post a Comment