Thursday, December 8, 2011
09:31 PM
09:31 PM
Dahil sa naglalabasang "negative tweets" mula sa naka-engkuwentrong reporter ni Ryan Agoncillo sa kalsada habang nagmamaneho sakay ang asawang si Judy Ann Santos, nais ng mag-asawa ibigay ang kanilang panig sa pangyayari. (CLICK HERE to read related article)
THE ARGUMENT.Nagkaabutan daw sila at doon na nga naganap ang palitan ng mga salita sa pagitan nina Ryan at Marlon.
"So, ang ginawa ko nung nag-green light, tumawid ako. Siya, hindi pa rin siya tumitigil ng honk and blink.
"Tumawid ako dun sa may fastfood, dun sa may paradahan ng mga tricycle and then tumabi na siya sa akin.
"I didn't put down my window first because I needed to check if there's anybody around me or anything suspicious.
"Pagbaba ko ng bintana, he [rolls] down his window. Sumisigaw siya. Sabi niya, ang narinig ko na lang, 'Yung van na kinut mo has a 2-year old boy inside.'
"So, ako parang it's very unusual. Usually, pag ginanun ka, minumura ka, e, bina-bad finger ka.
"So, ako [sinabihan] 'There was a 2-year old boy.' It's not normal. I don't know, I couldn't determine yet what was going on.
"So, immediately tama rin yung tinext [tweet] niya, nung nagkaalitan kami ang nasabi ko ay, 'E yung kaibigan mo ang unang nag-cut sa akin.'"
Bagama't tama raw ang mga sinabi ni Marlon sa kanyang tweets, may kulang naman daw rito.
"But I want to add to his report also. I'm not refuting his report, tama yung pagkaka-report niya.
"I'm just adding. Pagkasabi ko nung, 'E yung kaibigan mo ang unang nag-cut sa akin,' I apologized right on the spot."
Pagkatapos ay nagpakilala na nga raw si Marlon bilang reporter ng pahayagangPhilippine Daily Inquirer.
"And then he screams back to me, 'Ryan, reporter ako ng Philippine Daily Inquirer,' which I found odd again.
"Kasi pag napapa-away ka, I don't think may naka-away ako na sinabi ang trabaho niya.
"Ang naisip ko, what are the chances that I get into an encounter with a reporter? It could be a modus operandi.
"If you're trying to elicit a reaction from me na bumaba, 'Sorry baka bigla akong matutukan, e.' So, I found it strange. Pero maaaring totoo nga.
"Pero sinabi niya reporter siya ng Inquirer. And then at this point, yung babae niyang kasama, katabi niya sa passenger seat, medyo may hitsura, e.
"Akala ko nga nakasama ko pa sa pelikula or ano. Sumisigaw yung babae ng, 'Sige na. Sige na.'
"So, ako hindi ko alam. Sinisigawan niya ba ako na humayo ka na, o umalis ka na. O sige na dun sa kasama niyang nagmamaneho na 'Sige na. Tara na.'
"Or sige na you know...because his SUV is heavily tinted, e. Yung white SUV that cut me was heavily tinted.
"His SUV was heavily tinted. My car, walang tint at all. Tapos hindi ko alam. So, umalis na ako."
TAKING PICTURES. Hindi pa raw natapos doon ang lahat dahil patuloy pa ring sinundan ni Marlon sina Ryan.
"And then may isa pang nangyari. Hindi ko alam kung kasama nila or aksidente na naman.
"Pero nung humataw ako, may isang maroon naman na van na humarang ng daan ko. Hindi ko alam kung humarang siya or baka hindi naman niya kasama at nagkataon lang.
"Then he goes close to me kasi nakahabol na siya by that time. Kasi malapit na naman ako dun sa kanto. Ayokong maipit ulit sa kanto, safety reminder ulit.
"Nagle-level up na siya sa akin. Tapos teka muna, mukha ngang kinukunan ako ng either picture or ng video, or tinututukan ako ng kung ano.
"Obviously, he was pulling up to me closely. Libre yung lane niya, ako may van ako sa harap, hindi siya dumidikit.
"And then eventually, umabot sa kanto he turned right going to the west road.
"When the light turned green, humataw na ako because I really didn't know what was going on.
"Hindi ko alam kung ano ba yun. Was that a traffic altercation or was it actually a failed carjacking attempt?"
Ang isa pang ipinupunto ni Ryan, dahil sinasabi ni Marlon na may bata sa sasakyan, bakit ganun mag-drive ang driver.
"Kung may kasama silang bata sa sasakyan bakit ganun siya mag-drive.
"Ako kasi pag may kasama akong anak sa sasakyan, hindi ako pawarde-warde magmaneho.
"Ang concern ko lang talaga ay buti na lang walang nasaktan lalo na yung bata."
REAL REPORTER. Pagkatapos nga ng nangyari ay lumabas na ang tweets ni Marlon tungkol sa insidente.
Nabasa naman ito ng mga kaibigan ni Ryan na nagparating sa aktor tungkol sa mga naturang tweets. Dito na rin nakumpirma ni Ryan na totoong reporter si Marlon.
"I was actually relieved when I found out that he was a real reporter. And then when my friends said, 'Pare, mero'n sa Twitter kaming nabasa.'
"'Tapos sa inquirer.net or sa Facebook. I was relieved, one, that he was a real reporter and that it wasn't one of those cautionary tales na nakalusot ako sa isang carjacking."
Humihingi nga ng paumanhin si Ryan dahil sa maling naisip niya dala na rin sa kanyang takot.
"Pero siyempre nahiya rin ako. I apologize for misinterpreting the situation. Mali ako ng basa sa situwasyon.
"Nahihiya ako sa kanya at dun sa pamilyang nasa van that I acted aggressively. Mali, e, mali yung pagkakabasa. I take full responsibility for my actions.
"I misinterpreted the situation. Mali yung basa. I put a child in danger and I apologize.
"But I would also like to say to the family who's in the van and to Marlon, I apologize. I was acting out of fear.
"It was hardly road rage for me. It was more [of] what's going on? Siyempre noong una may galit, totoo naman may galit. Pero I really wanted to find out what's going on. There was no gesture. Bigla na lang I was cut on the road."
NEGATIVE TWEETS. Ni-retweet din ng ibang followers ni Marlon ang tungkol sa nangyaring insidente. Kaya naman hindi maiwasan na magkaroon ng ilang negatibong tweets laban kay Ryan. Ano ang reaksyon niya rito?
"Alam mo hindi ko masisisi yung ibang nagko-comment kasi they didn't know what really happened or what's going on [in] our minds that time.
"You know, honestly, I would rather na ganito na lang, na totoo siyang reporter at traffic altercation siya.
"Kaysa naman...kasi may ilang oras din na inisip ko na, 'Ano ba yun? Was that a carjacking attempt, o kidnap attempt?'
"Na-relieve ako, e, nung nalaman ko na tunay siyang reporter. Kasi, hindi masamang tao yung kaaway ko. And it was my fault.
"And I apologize to Marlon and to the family in the van. Kung nasira ang araw n'yo at na-bad trip kayo. Pasensiya na mali yung pagkakabasa ko sa situwasyon."
Hangad naman ni Ryan na sana ay maunawaan siya at mapatawad ng kampo ni Marlon.
"I hope they get to forgive me. Bad judgement on my part, pasensiya na. Nag-iingat lang din ako kasi nakakakaba, e."
Wala ba siyang gagawing effort para makipag-usap at makipag-ayos ng personal kay Marlon?
"I want to, but there's no opportunity, e. Nakakatawa nga nung sinabi ni Noel [Ferrer, Ryan's manager] na tinawagan siya.
"We didn't get to talk about it till I found out after. Kasi, hindi ko naman itinawag sa kanya. Siya rin hindi rin niya itinawag sa akin.
"Kasi for Noel, he thought it was just away lalaki. So, it got big. He [Marlon] put it out in public. So, I'm now apologizing in public.
"Siguro if I get the chance to apologize personally to him and the family, I would take that chance."
JUDAI REACTS. Nagkaroon naman ng pagkakataon na makausap ng PEP at iba pang press si Judy Ann pagkatapos ng presscon para hingan ng reaksyon tungkol sa insidente.
Una, ngang nagkomento si Judai tungkol sa mga negative tweets laban kay Ryan.
"Yun lang nahusgahan agad yung asawa ko na hindi man lang siya nabigyan ng chance to air his side.
"Hindi rin naman namin masisisi si Marlon dun sa isinulat niya kasi malamang kinabahan din siya.
"It was a spur of the moment na emosyon. Siguro galit, o upset kasi hindi niya siguro maisip na si Ryan yung makakabangga niya.
"Or hindi niya ine-expect na magiging ganun yung situwasyon. So, naiintindihan naman namin siya sa part na yun.
"Sa parte namin, siyempre sa panahon ngayon ang daming saksakan, ang daming kidnap-an, ang daming carnap-an, lalo pa't magpa-Pasko.
"Kami lang dalawa ang magkasama, so natakot lang din kami.
"Kasi kung magkaka-convoy kayo tapos kinut n'yo yung sasakyan namin, paano kung nakaplano kayo, 'di ba?
"Siyempre gagawa ng paraan ang asawa ko."
Na-shock din daw si Juday sa mga nangyari.
"E, nasa telepono ako noon, may kausap ako. Nagugulat na lang ako na gumaganyan-ganyan ako sa may sasakyan.
"'Tapos yun na nga, binusinahan siya, nag-flash ng ilaw si Marlon. 'Tapos tumabi si Ryan sa gilid and then tumabi rin si Marlon.
"Then binaba niya yung bintana niya at sumigaw siya, sinabi niya na, 'Don't you know we have a 2-year old child in the car.'
"Si Ryan naman, dala rin ng emosyon na takot at bigla, parang 'Huwag mo akong sisigawan,' sumigaw din siya. Pero, nag-apologize siya.
"Sana lang kay Marlon, nilagay din niya na nag-apologize din naman si Ryan.
"Hindi lang siguro sa manner na gusto niya. It was a situation na hindi mo maiiwasan na iinit ang ulo mo."
Sana naman daw ay huwag husgahan agad ng mga tao si Ryan.
"Sa situwasyong iyan, kami mismo humihingi kami ng sorry. Natakot kami, nabigla kami. Sana lang nakumpleto yung story.
"But we understand kung bakit ganun yung reaksiyon ng tao. Pero, huwag naman nilang sabihing tarantado yung asawa ko kasi mas maraming tarantado diyan.
"Kasi hindi naman nila alam yung tunay na situwasyon, yung asawa ko naakusahan na kaagad."
Nag-iingat lang din daw sila kaya naisip nila na maaaring may balak na masama sa kanila.
"Parang sa amin naman, hindi naman sa nagyayabang, o hindi dahil sa kung ano pa man na baka isipin ng mga tao na sobra namang yabang nitong mag-asawang ito.
"Bakit naman kikidnap-in? E, yun nga pong hindi nakikita sa mga palabas e, sinasaktan, naki-kidnap.
"Ang daming puwedeng mangyari sa panahon ngayon. Hindi naman po sa kung ano pa man, pero sana maintindihan n'yo na natakot lang din naman kami."
May gusto pa ba siyang sabihin kay Marlon?
“Marlon, kung na-upset ka, na-upset din kami.
"Pare-pareho lang naman tayong tao. Nagkataon lang na kami nakaharap sa camera, ikaw nakaharap ka sa computer para sumulat ng mga articles mo.
“Pasensiya na sa mga bagay-bagay, pero sana sabihin natin lahat hanggang dulo.
“Para hindi naman naaakusahan yung mga taong involved sa kabilang partido na hindi pa naibibigay yung side nila especially ‘pag artista.
“Kasi ngayon, ‘pag artista, ang perception, mayabang, lalo pa si Ryan endorser siya ng sasakyan.
“Parang hindi naman yun ang intensiyon namin.
"Siyempre may mga responsibilidad kami na kailangang harapin at alam namin yun bilang mga artista at magulang.
“Pero may mga pagkakataon na hindi mo maiiwasan na protektahan lang ang sarili mo dahil magulang nga kami.
“Yun lang. So, Marlon, Merry Christmas.
"Sorry kung na-upset ka. Sorry kung kinabahan yung mga taong kasama mo, lalo na I’m sure, yung nanay nung bagets [2-year-old child na nakasakay raw sa kotse].
“Pero nanay rin naman ako, kinabahan din ako. Merry Christmas to you.”
No comments:
Post a Comment