@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, December 12, 2011

Judy Ann Santos understands why they were given limited ad spots on ABS-CBN for her MMFF movie, My Househusband Rose Garcia



Judy Ann Santos understands why they were given limited ad spots on ABS-CBN for her MMFF movie, <em>My Househusband</em>

 
Judy Ann Santos on ad spots of My Househusband on ABS-CBN: "Sa mga ganito namang pagkakataon, sa ganitong salita naman, ang bawat network naman na may mga pambatong pelikula sa MMFF, alam naman natin na yun naman ang tututukan. Pero may mga panaka-naka naman kaming spot na nakukuha sa both networks. Hindi lang sa ABS. And naiintindihan namin yun kasi kalaban nila kami."


Bago ang question-and-answer portion sa press conference para sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na My Househusbandkahapon, December 7, magkahiwalay na nagluto ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Ang presscon ay ginanap sa Napa Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.

Ang mga niluto nila ang mismong inihain at pinakain sa invited entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakakatuwa ngang tingnan ang mag-asawa habang nagluluto. 

Maging sa kanilang sariling bahay, kahit working mom at hindi biro ang schedule sa kanyang showbiz commitments, nagagampanan pa rin ni Judy Ann ang pagiging maybahay niya kay Ryan.

Si Judai raw mismo ang nagluluto ng baon ni Ryan sa trabaho.

Kuwento ng aktres, "Ngayon kasi, alam ko naman ang schedule ni Ryan. May taping siya for [EatBulaga! for Christmas.

"So, morning, gigising ako ng alas-singko.

"Hangga't maaari, alas-singko or alas-sais ng umaga, para mabantayan din si Yohan sa pagkain. Maihatid sa school.

"Pagbalik, maglalaro kami ng konti ni Lucho, then gigising na si Ryan.

"Habang naglalaro si Lucho, gagawin ko naman ang baon ni Ryan for Eat Bulaga!and for Talentadong Pinoy."

Ano ang madalas na ipinapabaon niya kay Ryan?

"Kapag naka-diyeta siya, walang carbs.

"Kapag alam ko na ordinary day, meron siyang special fried rice na ipinapabaon ko sa kanya.

"Pagdating ng tanghali, wala na si Rye, alone time ko na yun.

"Kapag hindi tulog si Lucho, isasama ko naman siya sa gym at magdyi-gym naman ako. 

"Saka pa lang ako uuwi para mag-marinate ng ibang babaunin ni Rye sa kinabukasan at maghahanda naman ako ng dinner niya.

"Or pag minsan, kapag napagtitripan namin ni Yohan si Daddy [Ryan] na lambingin, meron kaming nakahandang fine dining set-up kay Daddy pag-uwi.

"Hinihintay ko lang lumaki si Lucho para dalawa na silang waiter ko!"

MMFF ENTRY. Gaya nung mga nakaraang taong, malalaking pelikula  na naman ang kalahok sa Metro Manila Festival (MMFF) ngayong taong ito.

Isa na nga rito ang My Househusband nina Judai at Ryan.

May pressure ba silang nararamdaman sa magiging resulta ng pelikula nila sa box-office?

"Malaking pressure.

"Kung paano 'ko na-pressure maglabas ng pagkain kanina, mas higit pa do'n," natatawang biro niya.

"Pero siyempre, hindi mo naman maiaalis yun.

"Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng movie ni Ryan together, tapos MMFF. 

"Tapos, wala naman kaming panlaban na effects sa pelikula. 

"Ang panlaban lang talaga namin is story.

"Kung gaano karaming lesson ang maibibigay ng pelikulang ito sa mag-asawa. At mga kapitbahay na rin na mga echoserang tsismosa.

"Pero faith...Faith na alam namin na maganda ang pelikula at ginawa namin ito.

"At masaya kami kung paano namin ginawa ang KKK [Kasal Kasali Kasalo] at SSS[Sakal Sakali Saklolo]...we're like reuniting again with our family.

"Iba nga lang ang mother production na nagha-handle ngayon."

Ang Star Cinema ang nag-produce ng KKK at SSS, samantalang ang OctoArts Films naman ang producer ng My Househusband.

Dagdag pa ni Judai, "Ang gusto lang namin, at least, mapansin ng tao ang pelikula.

"Ma-appreciate nila ang effort at time na inihandog namin sa kanila.

"Wala naman kaming laban kay Kris [Aquino] at kay Ai-Ai [delas Alas], sino naman kami, di ba? 

"Ano lang kami, pamilyadong tao na naghahandog ng magandang pelikula.

"So, we really hope na mapanood ito ng lahat."

Ang entry ni Kris sa MMFF this year ay ang Segunda Mano kasama si Dingdong Dantes.

Samantalang si Ai-Ai naman ay ang Enteng Ng Ina Mo katambal si Vic Sotto.

Parehong co-produced ng Star Cinema, film arm ng ABS-CBN, ang pelikula nina Kris at Ai-Ai.

SUPPORT FROM HER HOME NETWORK. Kaugnay nito, natanong si Judai kung bilang isang Kapamilya ay may suporta siyang nakukuha mula sa ABS-CBN para sa My Househusband

Ito ay sa kabila ng may sariling entries ng Star Cinema this year.

Ayon kay Judai, "Hindi ko ho alam, e. Ayoko na rin alamin. 

"Sa mga ganito namang pagkakataon, sa ganitong salita naman, ang bawat network na may mga pambatong pelikula sa MMFF, alam naman natin na yun naman ang tututukan.

"Pero may mga panaka-naka naman kaming spot na nakukuha sa both networks. Hindi lang sa ABS.

"And naiintindihan namin yun kasi kalaban nila kami. 

"At lahat ng ito, nangyayari dahil lang sa MMFF, hindi sa anumang iba pang dahilan.

"Tanggap naman namin yun na very limited ang mga spots na naibibigay sa amin ng ABS dahil meron silang entry.

"It's understood naman."

Bilang contract star ng Kapamilya network, wala ba siyang sama ng loob sa kalakarang ito?

"Wala naman.

"Parang sanay na rin ako, e.

"Parang ganoon na rin naman, ayos na rin!" natatawang sabi niya.

Pero dagdag ni Judai, "Hindi naman ito ang tamang panahon para magtanim ng sama ng loob. Pasko na, o!

"Ang importante, masaya kami, masaya ako.

"Maganda ang pelikula namin."




No comments:

Post a Comment