@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 18, 2011

Kris vs Ai Ai sa MMFF: magkakasubukan na


DECEMBER 18, 2011

Festival 2011 ang entry nilang “Segunda Mano” dahil aminado siyang mahirap kabugin sa number one position ang “Enteng Ng Ina Mo” nina bosing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.
Of course, may reaksyon dito ang mga taong nasa likod ng iba pang entries gaya ng “Panday 2″ na nasanay na ring makipaglaban sa top two position kung hindi man talagang box-office champion.
Humirit din ang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” na matitindi rin ang publisidad na naglalabasan kaya’t mataas na ang awareness ng mga tao rito.
Ang MMFF regular na “Shake, Rattle & Roll 13″ at “Yesterday Today Tomorrow” mula sa Regal Films ay silent lang dahil confident din si Mother Lily Monteverde na may sariling hukbo na ng mga manonood ang naturang mga pelikula lalo pa’t nasanay na ang mga taong kasali ang Regal  sa MMFF.

Bukod tanging ang entry lang yata nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang biglang naging liyamado considering the status of Juday.
Nagkakabiruan na nga na sa buong bansa ay may kani-kanya ng balwarte ang bawat entries.
Sa Metro Manila daw ay maghahati-hati sa top 2 sina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas at Bong Revilla. Unless pairalin daw ni Kris ang paghingi uli sa mga mayors ng “compulsory ticket buying”, makakasiguro daw ito ng huge gross sa Metro Manila, partikular sa Makati.
Makokopo naman daw ni Gov. ER ang Laguna, habang teritoryo ni Sen. Bong ang Cavite, kasama na ang Rizal province.
Babawi naman sa parteng Norte ang mga Regal entries ni Mother Lily dahil marami pala itong “theater friends” sa parteng Pampanga, Ilocos at Baguio, at siyempre pa sa Batangas at Bulacan ayon pa sa aming kausap.
Pagdating daw sa parteng Visayas gaya ng Cebu, magrarambolan daw dito sina Kris, Bong at bosing Vic with Ai Ai, pati na si Mother Lily.
May appeal naman sa mga taga-Mindanao ang action pic ni ER Ejercito pero ayon sa kausap namin ay mas kilala du’n si Sen. Bong Revilla.
Nakakaloka di ba kapatid na Ervin? Parang national elections din ang magaganap na MMFF 2011 dahil may kani-kaniya na silang balwarte.
Siguro naman ay may hatak sa Luzon, Visayas at Mindanao ang Juday-Ryan entry na tila hindi nabanggit ng mga kausap namin kung saan may teritoryong sakop?


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment