@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, December 8, 2011

Part 1: Ryan Agoncillo apologizes to a reporter after their traffic altercation


<strong>Part 1:</strong> Ryan Agoncillo apologizes to a reporter after their traffic altercation


"Ganito kasi yun, first of all, I want to apologize to Marlon Ramos at doon sa pamilya na nandun sa van na nakaengkuwentro ko sa daan. I apologize and walang maling isinulat si Marlon dun sa Twitter feeds niya about sa nangyari. Marami yung Twitter feeds niya, sunud-sunod. Yung mga isinulat niya totoo, e. Totoo yung mga pangyayari," says Ryan Agoncillo when asked about what really happened between him and a reporter who was tweeting about their "road encounter."

Part 1: Ryan Agoncillo apologizes to a reporter after their traffic altercation

Glen P. Sibonga


    May mga kumakalat ngayong negatibong tweets na tumutuligsa sa TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaugnay ng kinasangkutan nitong "traffic altercation" last weekend.

    Narito ang ilan sa naturang tweets:

    "For those who are not aware, Ryan Agoncillo overtook a van carrying a 2-yr old boy. Drove a car w/o license plates. | TARANTADONG PINOY."

    "RYAN AGONCILLO, ur such a bully. better control ur road rage sir!!!"

    Ayaw na sanang palakihin ni Ryan ang nangyaring "road problem" sa pagitan nila ng Philippine Daily Inquirer reporter na si Marlon Ramos.

    Pero, hindi na nga siya nakaligtas sa pagtatanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media tungkol dito sa presscon ng pelikula nila ng asawang si Judy Ann Santos, ang My Househusband: Ikaw Na!, kahapon, Disyembre 7, sa Napa Restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City.

    Ang naturang pelikula ang entry ng OctoArts Films sa parating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011 sa Disyembre 25.

    Ayon kay Ryan, naganap ang insidente noong Linggo, Disyembre 4. Pero ang Twitter feeds ni Marlon ay naka-date naman ng Disyembre 3, Sabado.

    Kasama ni Ryan si Judai na nakaupo sa tabi niya sa passenger's seat nang mangyari ang insidente.

    Sa bungad na pananalita ni Ryan, kaagad siyang humingi ng paumanhin kay Marlon at sa mga kasama nito.

    "Well, noong una kasi, nung nangyayari yung insidente, litung-lito ako na may kasamang takot.

    "But later on when I found out...it's my friends kasi who told me about it parang the next day or parang maggagabi.

    "I checked Twitter and the Twitter feeds are from there...if I remember right, Marlon Ramos.

    "Ganito kasi yun, first of all, I want to apologize to Marlon Ramos at doon sa pamilya na nandun sa van na nakaengkuwentro ko sa daan.

    "I apologize and walang maling isinulat si Marlon dun sa Twitter feeds niya about sa nangyari.

    "Marami yung Twitter feeds niya, sunud-sunod. Yung mga isinulat niya totoo, e. Totoo yung mga pangyayari," sabi ni Ryan.

    MARLON'S TWEETS. Para sa mas ikalilinaw ng istoryang ito, kinuha ng PEP ang sinasabi ni Ryan na Twitter feeds ni Marlon tungkol sa insidente gamit ang kanyang Twitter account na iammarlonramos.

    Pina-publish namin ito kung paano lumabas sa Twitter:

    "was driving w/ my friends on our way to a wedding in Ayala Westgrove in Silang. 'twas raining hard along the Sta. Rosa-Tagaytay Road when a black Chevy sports car almost rear-ended my friend's van.

    "I admit that 'twas my friends fault. he tried to go to the outer lane without apparently noticing the oncoming sports car. pro nkasignal nman sya that he was going to his right. but d sports car was coming at 60-80kph.


    "i told myself, 'Naku, babawi tong driver ng sports car.' & that's exactly what happened. that bully sports car then overtook my friend's van & cut his path. i saw my friend's van came to a sudden halt.

    "nag-alala & kinabahan ako bec my friend was w/ his wife & their 2-yr-old son when i saw d Chevy sports car sped away, my instinct was to run aftr that bully driver. so i turned on my headlights & honked d car horn continuously.

    "i thought what d driver did to my friend wasnt right. i just wanted to tell him that d van he cut was carrying a 2-yr-old boy

    "so ayun. aftr a few hundred meters of going after d bully sports car driver, he stopped. the man opened his window & i was surprised to see that d bully driver of the black Chevy sports car was actually #RYAN AGONCILLO, the actor and host of Talentadong Pinoy

    "his wife, actress JUDY ANN SANTOS, was on the front passenger seat. so I told d man why he did what he just did. I also told him that the van was carrying a 2-yr-old boy.

    "he just replied, 'Eh sya ang unang nag-cut sa akin.' we had an argument for maybe less than 3 mins.

    "he then closed his window when i told him that he shouldn't bully anyone on the road and that i'm a reporter. Judy Ann was just quiet."

    GOING PUBLIC WITH HIS APOLOGY. Humihingi ng tawad si Ryan kay Marlon sa nangyaring insidente.

    Pero may dahilan daw kung bakit ganun ang naging reaksiyon niya rito.

    "I apologize for behaving aggressively. Pero dun sa tamang isinulat niya mero'n lang akong gustong idagdag.

    "Not to defend myself but to explain siguro what happened. Sa akin kasi when it happened, makikita n'yo naman sa Twitter feeds niya.

    "Ayoko na sana to go public with my apology, but I guess I have to because he went public with his report, di ba?"

    Dito na nga sinimulang idetalye ni Ryan ang mga nangyari.

    "When I saw the Twitter feeds, tama yung pagkakasabi niya ng facts. Ako kasi when I was driving, it was a clear road.

    "I was on my way to a wedding as well. Nalaman ko sa Twitter feeds niya na papunta siya sa wedding.

    "Sa kaliwa, napansin ko, may linya ng kotse na hindi sila mabilis, hindi sila mabagal.

    "Katamtaman yung speed nila. There was a line of about four or five cars. I don't remember, but nothing was holding them up.

    "Pero pace nila, sarili nila. Actually, yung ibang sasakyan nilalampasan sila. So, ako nalampasan ko na rin.

    "All of a sudden there was a car almost absent-mindedly na nandun na ako, humarang.

    "Almost ran me off the road, actually. Kung hindi ako nakapreno nang maagap, nabangga ko siya.


    "Or kung mali ang kabig ko, nabangga ko naman yung bangketa or yung sasakyang nasa tabi.

    "So, for me I wanted to find out kung ano ba yung nangyari bakit biglang hindi naman mabilis yung takbo, e, absent-minded, e.

    "Nagganyan, nag-cut. So, for me, lumipat ako dun sa side niya kasi nandun na siya sa lane ko, e.

    "Usually kasi, sa mga traffic, pagka-cut you get a gesture or apology or a hand wave which I didn't get.

    "So, ako sabi ko teka muna I'm not getting a hand wave. 'Tapos, usually kapag nag-swerve ka sa isang lane, kasi hahataw ka, o-overtake ka...I'm thinking na o-overtake siya but there was some change in speed."

    MODUS OPERANDI? Litung-lito raw si Ryan sa mga nangyayari dahil hindi nga niya nakikita ang mga nakasakay sa mga tinted na kotse.

    Hindi niya raw maiwasang maisip na baka may masamang intensyon sa kanila ang hindi niya kilalang mga tao.

    "So, ako, hindi ko maintindihan what was happening. Muntik akong mabangga, hindi nag-a-apologize, mero'ng sasakyan diyan.

    "Medyo kinabahan ako, I wanted to get a reaction. And I admit that I acted aggressively. So, I wanted to get a reaction. I wanted to get space also.

    "Kasi marami tayong e-mails na kumakalat, saka mga text about yung mga modus operandi.

    "So, ako I wanted to find out, ano ba ito, 'pinagti-trip-an ba ako? Aksidente ba ito, o modus operandi?' I didn't know."

    Dahil dito, si Ryan naman ang nag-cut doon sa isang sasakyan.

    "I wanted a reaction. So, kinut ko. Pero, nung huminto na yung sasakyan, 'eto naman yung kotse sa likod niya na naka-hazard [light] na napansin ko pagdaan ko.

    "Hinabol na ako and started honking the horn and nagba-bright lights. So, ako, 'Wait a minute, am I gonna get into a fight? Is this a modus operandi?'

    "Hindi ko malaman e. Natakot na rin ako. So, tama rin yung sabi niya na I was speeding.

    "I was trying to get away from him, this guy na nagho-honk ng horn dahil hindi mo nga alam, e.

    "E ayokong maipit sana, kasi hindi ko alam kung convoy sila kung ilang sasakyan sila.

    "Ayokong maabutan dun sa kanto na maipit ako. So, humataw ako pero hinabol ako.

    "Pagdating sa kanto, red light, so I needed to push my way to the front para kung sakali if there was further aggressive behavior, e, may exit ako.

    "Yun ang bilin lagi sa mga e-mail—always have an exit. Always be in a public area."


    No comments:

    Post a Comment