@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 25, 2011

“Araw-araw ay Pasko dito sa puso ko...”-- Judy Ann Santos


 Ni Ruel Mendoza




Maraming mga artista ang baga­ma’t busy sa kanilang mga trabaho ngayong Pasko, pero hindi namannila nakakali­mutan ang isipin at mag-reflect kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng Pasko.
Para sa mag-asa­wang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na bida ng pelikulang My Househusband: Ikaw Na!, ang Pasko ay isang season para makasama ang pa­milya at maghanda dahil pinanganak ang sanggol na Kristo.
“Sabi nga nila ay once a year lang nangyayari ang Pasko, pero para sa akin, araw-araw Pasko dito sa puso ko. Hindi dapat nawawala ‘yung diwa ng season na ito. Hindi lang siya pang-isang beses sa isang taon,” sey ni Juday.
Nakagisnan nga ni Ryan ang isang traditional family Christmas at iyon din ang nais niya para sa kanilang pamilya ni Juday.
“Family gatherings are rare. Christmas lang talaga ‘yung nagsasama ulit sa inyo, eh. ‘Yun ang magic ng season na ito. You see the people that you haven’t seen for a long time.”
Pasko naman sa bahay ng kanyang Lola Delia Razon ang hindi malilimutang tradisyon ni Carla Abellana. Kahit abala ito sa pag-promote ng dalawang pelikula (Yesterday, Today, Tomorrow at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story), hindi niya puwedeng makalimutan ang mga natutunan niya tungkol sa Pasko dahil sa kanyang lola.
“I grew up in my lola’s house at doon ko nakita ang mix ng modern and traditional Christmas. Mas ­na-appreciate ko ang mga Pasko noon kasi it’s very simple, wa­lang masyasdong kum­plikasyon.
Still, you can feel what Christmas really is,” sey niya.
At para naman sa dalawang young stars ng Panday 2 na sina Kris Bernal at ­Alden ­Richards, ang pamilya ang importanteng makasama ngayong Pasko.
“Kumpleto ang family namin every Christmas,” sey ni Kris. “Yan ang isang bagay na tinuro sa akin ng parents ko. Saan man kami sa buong mundo, basta parating na ang Pasko, kailangan maging kumpleto ang pamilya. Masarap kumain ng Noche Buena kapag buo ang pamilya.”
Ang pagkawala naman ng ina ni Alden ang siyang naging kulang para maging kumpleto ang kanilang Pasko. Kaya pinupunan na lang niya ito ng sobrang pag-aalaga sa kanyang ama at mga kapatid.
“I always remember what my mom always says about Christmas. It’s a season of giving and ­loving. Hindi bale na wala kang matanggap na regalo basta may mga napasaya kang mga tao. Kaya mas naa-appreciate ko ang mom ko ngayong wala na siya dahil lahat ng parangal niya ay sinusunod ko.”



No comments:

Post a Comment