@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, June 29, 2012

Hindi na rin puwedeng magpuyat, mga muscle ni Juday, bantay-sarado ni Ryan







SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon)

Talaga namang kaabang-abang ang pagbabalik-teleserye ni Judy Ann Santos dahil maganda ang kuwento ng Against All Odds na pagbibidahan niya.
“Well, ang masasabi ko lang, it’s very relatable siya sa mga babae. Hindi siya ’yung super hero na hindi magagawa ng normal na tao kasi hindi naman nakakalipad ’yung mga tao. Nakaka-empower ito sa mga kababaihan, sa mga housewife, sa mga magulang, sa mga anak. Hindi ito ’yung tipo ng soap na imposibleng magawa dahil walang imposible sa ABS-CBN,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.
Kakaibang paghahanda rin ang ginagawa ng aktres para sa kanyang bagong proyekto.
“May bago akong trainer ngayon na naghahanda sa akin to be fit for this soap. Ang pangalan niya ay Trainer Ryan Agoncillo. Maaga kaming nagigising kasi sayang naman ’yung oras na hindi kami makatanggal ng fats involved sa sistema namin. So, it’s a good bonding din for the two of us at nakakatuwa na ang sarap mag-start ng araw na alam mong nakapag-work out ka at asawa mo ’yung kasama mo na parang nagsimula ng perfect ’yung araw mo. Kumbaga, he is keeping me fit. Siya ’yung nagbabantay sa muscles mo,” pagtatapat ni Juday.
Bago tinanggap ng aktres ang bagong proyekto ay siniguro niya munang hindi siya mawawalan ng panahon sa pamilya kapag nagsimula na ang taping para sa nasabing serye.
“’Yun ang una kong apprehension bago tumanggap ng series eh, ’yung fact na baka mawalan ako ng time sa mga bagets pero napaka-understanding naman ng buong unit. Very accommodating naman sila sa request ko pero it’s a give and take relationship naman as well na may pagkakataong may ganitong cut off, may ganito, ganyan. It’s always been like that with me naman, wala namang hindi napag-uusapan,” pagtatapos ni Juday.


http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=822044&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment