@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, June 15, 2012

Movie nina Bong, Vic at Juday sure na sa no. 1


Hindi pa man nagsisimula ang 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay marami na ang humuhula na ang balik-tambalan nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla, Jr. ang siyang muling mangunguna sa takilya at dagdag puwer­sa ang pagpasok ni Judy Ann Santos bilang female lead ng pelikula. Katunayan, kasama si Juday sa title role na Si Agimat, si Enteng, at si ME. As early as the ’90s ay sanib-puwersa parati sina Bossing (Vic) ng M-Zet Films at Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films sa pagpo-produce ng MMFF entry movie na pinagbibidahan mismo ni Vic with box-office director Tony Y. Reyes.
Most often, ang mga pelikulang pinagbibidahan ni Vic ang siyang nangunguna sa takilya. A few years ago, nakipag-alyansa na rin ang APT Entertainment ni Direk Tony na siyang producer din ng long-running noontime show na Eat Bulaga. And lately, pasok na rin ang GMA Films o ’di kaya ang Star Cinema as co-producer at ang Imus Productions kapag co-star si Sen. Bong.

No comments:

Post a Comment