@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, June 5, 2012

original source


SA MGA interviews ni Tito Alfie Lorenzo, nagbitaw ito ng salita na over his dead body ay ‘di niya papayagang makapareha ng alagang si Judy Ann Santos si Sam Milby sa isang serye na niluluto sa ngayon ng ABS-CBN.
Hiningan naman namin ng reaksyon tungkol dito ang aktor, at ayon kay Sam, ‘di niya alam kung ano ang ire-react niya patungkol sa naging pahayag ni Tito Alfie, pero tanggap niya sa industriyang ito na may mga tao na hindi ka magugustuhan o kundi man ikaw, ay ang manager mo.
Matagal nang nakilala si Tito Alfie, pero sa ngayon ay ‘di na sila nagkita pa uli, sa tanong namin kung kakausapin ba niya ang batikang columnist/talent manager kung magkita sila, ay hindi ang sinagot sa amin ng aktor at hahayaan na lang niya ang management niya na gumawa nito para sa kanya. Excited na makatrabaho si Juday kung saan hinahangaan ni Sam ang husay sa pag-arte at naniniwala siya na marami siyang matutuhan sa aktres, nandu’n pa rin ang hiling ni Sam na sana ay matuloy ang nasabing serye na ito ng ABS-CBN.
Kinumusta namin kung may komunikasyon pa sila ng model/teacher na nakilala niya sa New York, na bukas siya sa pagsasabing nagustuhan niya, inamin ni Sam na may mag-iisang taon nang karelasyon ang nasabing modelo at pinili na rin niya na huwag itong makausap nang madalas bilang respeto na lang sa karelasyon nito. Nagbigay pahayag sa amin ang aktor na hinding-hindi siya papasok sa isang relasyon na commited ang babae sa iba. Naninwila raw sa karma ang aktor na kung ikaw ang malagay sa ganitong sitwasyon, ‘di mo gugustuhing ligawan din ng iba ang girlfriend mo.

No comments:

Post a Comment