@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, June 17, 2012

Bigo man sa Hollywood... SAM, NAGTAGUMPAY KAY JUDY ANN


ABOT-ABOT daw ang pasalamat ngayon ni Sam Milby nang malamang sa wakas ay pumayag na ang kampo ni Judy Ann Santos na makasama siya sa isang teleserye sa Dos.

Medyo nawala kasi sa eksena si Sam for a while sa kagustuhan niyang ma-penetrate ang Hollywood pero mukhang inisnab siya ng Hollywood at ang tinanggap ay ang dati niyang nakarelasyong si Anne Curtis.

Sa parte naman ni Ryan Agoncillo, ang asawa ni Juday, okey naman sa kanya ang idea na pagsamahin ang kanyang misis at si  Sam.

Magkaibigan pala sina Ryan at Sam kahit noon pa man kaya walang problema, tiyak na magiging smooth-sailing ang taping nina Sam at Juday the moment na magsimula nang gumiling ang mga camera for their show.

So, kung hindi man nagtagumapay si Sam na maging Hollywood actor , nagtagumpay naman siya sa pagkuha ni Juday na maging leading lady at natitiyak kpng maraming manonood ng kanilang teleserye dahil buhay na buhay pa rin ang mga tagahanga ni Juday at si Sam naman ay malakas pa rin ang karisma sa mga kabataan lalo na sa mga kababaihan.

No comments:

Post a Comment