@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, June 26, 2012

Number one na naman si Judy Ann Santos



By Ceasar Pambid

Jun 26, 2012

Muli na namang magrereyna sa television si Judy Ann Santos. Yung dati niyang kingdom ay sasakupin na naman niya at ang mas mahalgang balita, may bago na siyang hari at ito ay walang iba kundi si Sam Milby.

Tuloy na tuloy na nga kasi ang teleserye nina Judy Ann Santos, Sam Milby at KC Concepcion dahil nahilot na raw ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo at napapayag nang gawin ng alaga ang project.

Matatandaang naging mahigpit ang pagtutol ni Tito Alfie nang malaman niyang gagawa ng teleserye si Juday with Sam.

Vocal naman siya sa pagsasabing hindi niya feel ang Fil-Am hunk para maging kapareha ng kanyang alaga.

“Over my dead body,” ang dialogue ni Tito A. noon sa tambalang Juday-Sam.

Pero pinakiusapan nang husto ni Juday si Tito Alfie at sinabing siya ang nag-request na si Sam ang makasama niya sa serye.

Bukod dito, nakipag-meeting din sa manager ni Juday ang mga executive ng Dos at pinakiusapan din siyang payagan na ang aktres na gawin ang project.

Next Friday, ang Star Cinema head naman na si Malou Santos ang humihingi ng meeting kay Tito A.

Dahil dito, lumambot na ang puso ni Tito Alfie at pumayag nang gawin ang seryeng may titulong Against All Odds.

Kahapon, nagkaroon na ng story conference ang cast na siyang hudyat ng pagbabalik-primetime ng original “Teleserye Queen.”

Bukod kina Sam at KC, makakasama ni Juday sa Against All Odds sina John Estrada, Mylene Dizon, Jessy Mendiola, Joseph Marco, Bryan Termulo, Tirso Cruz III at Coney Reyes

No comments:

Post a Comment