@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, June 4, 2012

Juday, saludo sa Absolute Mom awardees

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=814165&publicationSubCategoryId=96

Manila, Philippines -  Nitong nagdaang Mother’s Day celebration, nagbigay-pugay ang Absolute Distilled Pure Drinking Water sa limang mommies na nagbibigay inspirasyon, tulong at pagmamahal hindi lang sa kanilang pamilya kundi pati sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagsuporta sa iba’t ibang foundation o charity.
Ang Absolute Mom Awards ay ginanap nu’ng May 9 sa Museum CafĂ©, Greenbelt 4. Si Judy Ann Santos-Agoncillo, ang Absolute Mom endorser, ang siyang nag-abot ng Absolutely Inspiring Mom for Others award sa limang napilang ina.
Si Juday ay may sariling foundation na kanyang tinayo bilang celebration ng 20th year niya sa industriya. Ang Touch a Heart Foundation ni Juday ay tumutulong para sa kinabukasan ng mga batang Aeta sa Orion, Bataan.
Bilang parangal sa limang awardee moms, nag-donate ang Absolute Distilled Drinking Water ng P20,000 para sa bawat charity na kanilang sinusuportahan.
Ang 5 Absolute Mom Awardees sa taong ito ay sina 1) Patricia Bermudez-Hizon na isang host at sportscaster, Pia Magalona (asawa ni Francis M), Tessa Prieto-Valdez (fashionista at kolumnista), Risa de los Angeles (leader and mentor) at Cathy Babao (TOWNS awardee).

No comments:

Post a Comment