@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, June 7, 2012

Imbitasyon sa story conference nina Juday, KC at Sam, kinansela




Ni Reggee Bonoan

MARAMI ang nagtaka kung bakit biglang na-cancel ang imbitasyon sa media sa storycon ng bagong teleseryeng Against All Odds na pagbibidahan nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby kahapon.
Ang rason na ibinigay sa amin ng taga-Ad-prom ay may look test at teaser shoot pa raw ang tatlong artista kaya hindi na nila mahaharap ang media pagkatapos ng storycon.

May magandang istorya sa likod ng casting kina Juday at Sam na tinututulan ng manager ng una at marami rin ang gustong mag-interview kay KC na simula ng maglabas ng sama ng loob sa The Buzz noong nakaraang taon ay hindi na ulit nagsalita. Kaya gusto sanang malaman ng lahat kung nagkausap pa ba sila ni Piolo Pascual at kung kumusta naman siya o sila ngayon.
Gusto ring ma-update ang media sa sitwasyon ni Budaday at ng manager niyang si Tito Alfie Lorenzo na tutol makasama niya si Sam sa serye gayong present ito sa presscon ng Lactum 100% Panatag World nang ihayag ng aktres na gagawa siya ng soap drama.
Samantala, gusto rin naming malaman kay Sam kung ano ang bago sa role niya sa Against All Odds. Balita namin, ibang-iba raw ito sa mga nagawa na niya both sa films and TV.
Samantala, hindi pa rin alam kung sino ang magdidirek ng serye nina Juday, KC at Sam dahil halos lahat ng house director ng ABS-CBN ay kasalukuyang may ginagawa at pare-parehong nasa primetime pa ang mga programa, bongga!


http://www.balita.net.ph/2012/06/imbitasyon-sa-story-conference-nina-juday-kc-at-sam-kinansela/

No comments:

Post a Comment