2010_09_07_Juday-Bukod sa mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, excited na ang lahat ng mga friends nila sa nalalapit na pagsisilang ni Juday sa kanyang first baby, na papangalanang Juan Luis at ang palayaw ay Lucho.


Sa October 16 na ang due date ng panganganak ni Juday kaya naghahanda na ang lahat ng baby shower for her. Inamin mismo ni Ryan nang ma-interview siya ng Tweetbiz na hindi lang isa kundi apat na baby showers ang inihahanda for Juday – isa mula kay Mommy Carol ni Juday, another from Megastar Sharon Cuneta na ate ni Juday sa showbiz, isa rin mula sa friends ni Juday, and lastly isa pa mula sa friends ni Ryan.


Biro nga ni Ryan, baka raw pag labas ng baby ay napakalinis na nito dahil sa dami ng baby showers.


Inihahanda na rin nina Ryan ang adopted daughter nilang si Yohan sa pagdating ng baby. Sa katunayan nang ma-interview daw si Ryan ni Tweetmoso-in-chief Mr. Fu sa radio show niya sa 103.5 Wow FM ay katabi ni Ryan si Yohan at sinasabing dapat daw ang tawag sa kanya ay ate na.


source:  http://blogs.wmn.ph/tweetbiz/?p=2608