@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, September 2, 2010

Baby nina Juday at Ryan hinihintay umikot si Lucho

Baby nina Juday at Ryan hinihintay umikot si Lucho

Kitang-kita ang excitement sa daddy to be na si Ryan Agoncillo. Malapit na kasing manganak ang kanyang maybahay na si Judy Ann Santos. “For the next four weeks we can expect that she can give birth. I’m very excited kasi ang lapit na, ’yung gamit pambata medyo kumpleto na. ’Yung room ng bata ay patapos na rin, ’yung nursery at gamit ni mommy sa pag-aalaga ay okay na rin,” pahayag ni Ryan.

Mayroon ding ibinahagi si Ryan tungkol sa kondisyon ngayon ni Juday at ng kanilang baby boy.



“Last month noong nakita namin ang ultrasound ay suhi, ’yung una ’yung paa ang unang lalabas pero ngayon ay tumagilid na siya. We’re hoping in the next few weeks ay tumuloy na ’yung pag-ikot niya,” dagdag pa ni Ryan.

Nakahahanga rin na magiging hands on daw sina Ryan at Juday sa kanilang bagong baby. “Actually, it’s Juday’s decision. I was surprised, sabi ko nga ay parang masyado kang nadadalian sa pagbubuntis ah. Sabi niya, ayaw na muna niya mag-yaya right away. Gusto na muna niyang tingnan kung hanggang saan magpu-push ’yung pangangarir sa pagiging ina,” kuwento ni Ryan.

Juan Luis ang napiling pangalan nina Juday at Ryan para sa kanilang baby na “Lucho” naman ang nickname. Excited din ang panganay nilang si Yohan dahil magiging ate na ito.

Pati kami ay excited na excited na rin tuloy. — Reports from JAMES C. CANTOS

No comments:

Post a Comment