@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, September 21, 2010

Napipintong maging celeb moms hilera ngayong taon

Brand-new mommy na ang Star Magic artist na si Roxanne Guinoo. Nanganak si Roxanne noong Lunes ng isang malusog na baby girl sa Filipino-Chinese fiancé niyang si Elton.
Hindi pa muna sinabi ni Roxanne kung ano ang ipapangalan sa kanyang kauna-unahang baby.
Nilinaw din ng aktres na hindi niya iiwan ang show biz kahit mommy na siya ngayon.

Nakalinya ring maging soon-to-be mommies ang "Mara Clara" stars na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.
Para sa soon-to-be mommy na si Juday, posibleng makahabol siya at magsilang sa makasaysayang petsa na 10-10-10 o October 10, 2010.
       
Sa engrandeng baby shower na ibinigay sa kanya ni megastar Sharon Cuneta, in full bloom si Juday.
Excited siya sa unang baby boy nila ng asawang si Ryan Agoncillo na pinangalanan nilang Lucho.
Mapapanood ang kabuuan ng baby shower sa “Sharon at Home" sa lifestyle network ngayong Sabado.
      
Nakatakda ring magsilang ng baby boy sa Nobyembre ang kaibigan ni Juday na si Gladys Reyes.
Ito na ang ikatlong baby ni Gladys sa asawang aktor na si Cristopher Roxas.
May mensahe naman para kay Juday si Gladys.
“Mag-uumpisa pa lang talaga ang motherhood. Ika nga kapag nandiyan na iyong baby sigurado ako sa sarili ko na magiging mabuti ka talagang ina,” ani Reyes.
Sa April naman ng susunod na taon manganganak ang aktres na si Krista Ranillo na kinasal nung Agosto sa Fil-Am na si Jefferson Lim sa California. – Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino




WATCH VIDEO HERE

No comments:

Post a Comment