@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, September 2, 2010

'Little Figther'

'Little Figther'
by Vinia Vivar   
Thursday, 02 September 2010 17:46
NAKAKatuwa naman si Ryan Agoncillo na sa gitna ng presscon ng Enervon-C, talagang tinawagan pa niya ang asawang si Judy Ann Santos para itanong kung puwede na niyang i-announce ang name ng kanilang baby boy.
Pinipigilan pa sana ni Ryan ang sarili na i-announce dahil baka magalit daw si Juday.
Gusto raw yata kasi ng kanyang misis na ito ang unang magsabi ng name ng baby nila.
Pero gustung-gusto na ni Ryan i-announce dahil siyempre, proud siya. Kaya tinawagan muna niya ang asawa para magpaalam.
Pumayag naman si Juday kaya naman ipinagmamalaki na ngang ini-reveal ng aktor-TV host ang napili nilang ipapangalan sa malapit nang lumabas na baby boy.
“Ang real name kasi ni Johan (adopted baby nila ni Juday) is Johanna Louise. And then, my real  name is Christopher Lou. And my dad’s name is Luis Vicente.
“So, ang napagkasunduan naming pangalan is Juan Luis and the nickname will be Lucho, which means little fighter. Kasi ang luchador is fighter, eh. So, ’yung lucho is little fighter,” pahayag ni Ryan.
In four-eight weeks ay expected na raw manganak ang asawa at nakatakda silang dumalo sa birthing classes ni Juday in the days to come.
Nanonood din daw ito ng videos about giving birth.
“At saka, ang iniisip nga niya kahapon, kung puwede raw lagyan ng home theater ’yung birthing room, kasi, habang umiiri raw siya, gusto niyang makapanood ng pelikula,” say pa ni Ryan.
Needless to say, major, major excited na ang mag-asawa sa paglabas ni Juan Luis sa mundo.
Kasalukuyan na nga raw tinatapos ang nursery nito at nagpahayag na rin si Juday na talagang magiging hands-on siya sa baby.
“Sabi niya, ayaw niya munang mag-yaya right away, sabi niya, gusto niya munang tingnan kung hanggang saan niya mapu-push ang pangangarir sa pagiging ina.”
Since nag-leave na nga si Juday sa showbiz, pa-shopping-shopping lang daw ang asawa at pa-parlor-parlor.
Hindi raw niya ito pipigilang bumalik sa pag-aartista kung sakaling gusto pa rin ng asawa.
Somewhere in the South ang hospital kung saan manganganak si Juday, pero ayaw na nilang i-reveal pa kung saan.
Hindi pa rin kumpleto ang list ng mga ninong at ninang at kung sakali, very private lang daw ang binyagan.

No comments:

Post a Comment