@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, September 3, 2010

Juday, ayaw magpahiwa ng tiyan!




ni Rey Pumaloy

HINDI pa sigurado si Judy Ann Santos kung caesarian o normal deli*very ang gagawing pa*nganganak sa baby nila ni Ryan Agoncillo na si Juan Luis sa Oktubre.


Pero, kung si Juday ang masusunod, mas type niya na normal delivery. Panay na nga ang dasal ni Juday na sana ay hindi siya ma-caesarian, dahil takot daw siya sa operasyon.


Ayaw raw niya nu’ng hinihiwa-hiwa ang kanyang katawan, at pagkatapos ay tinatahi.


Kapag na-caesarian nga siya, hihiwain at tatahiin ang kanyang tiyan.


Anyway, kapag normal delivery naman siya, plano rin ni Juday na huwag magpaturok ng anesthesia.

Gusto raw niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang baby.


Nabasa raw kasi ni Juday na may konting epekto sa baby ang anesthesia kaya mas gusto na niyang mahirapan kesa magkaroon ng epekto `yon sa kanyang anak.


Dalawang buwan na ngang pahinga sa showbiz si Juday. Sa bahay lang daw siya madalas, kasama ang mister na si Ryan, at ang anak nilang si Yohan.


Pinangangatawanan daw niya ang pagiging domestic housewife and a mother sa bahay nila.


Inamin ni Juday na sarap na sarap siya sa gina*gawa niyang pag-aa*yos ng bahay, paga-asikaso ng mga panga*ngailangan nina Ryan ni Yohan, at lalo na ang pagluluto ng pagkain para sa kanila.


After daw kasi ng Eat Bulaga ay sa bahay nila kumakain si Ryan. At minsan na lang daw sila lumalabas para mag-dinner.


Inamin ni Juday na kinunsulta muna niya si Ryan tungkol sa pagpapahinga at pag-iwas sa showbiz. At kahit baligtad daw ang sitwasyon nila ni Ryan nga*yon, na siya ang nasa bahay at si Ryan ang madalas na nasa labas para magtrabaho, gustung-gusto raw niya.


Naiintindihan daw ni Juday ang ginagawa ni Ryan ngayon na subsob sa trabaho. Mas lalo nga raw itong napamahal sa kanya dahil sa sobrang pagtatrabaho para sa kapakanan nila.


Feel na feel ni Juday na pina-pamper siya ni Ryan. Na kahit ano raw ang gusto niya ay ibinibigay nito sa kanya.


Pero, wala naman daw siyang hinihingi na kung anu-anong bagay kay Ryan. Mas type raw niya na paghandaan nila ang paglabas ng kanilang baby.


Nananawagan si Juday sa kanyang mga fans na intindihin na lang muna ang pagtalikod niya pansa*mantala sa showbiz. Sa tantiya nga niya ay kulang-kulang sa dalawang taon siyang mamamahinga sa showbiz, dahil mas gusto niya na siya ang personal na mag-alaga sa baby nila.


Sabi nga ni Juday, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling pamilya. Kaya isasakripisyo raw muna niya ang showbiz para sa kanyang pamilya ngayon.


Hiling lang ni Juday na pagbalik niya sa showbiz ay patuloy pa rin siyang tangkilikin ng kanyang mga fans.


Anyway, Juan Luis nga ang pangalan ng magi*ging baby nina Juday at Ryan. Isinunod daw nila ang pa*ngalan na `yon sa pangalan ng kanilang adopted daughter na si Johanna Lois. At isinunod din nila `yon sa pangalan ng tatay ni Ryan na si Vicente Luis.

No comments:

Post a Comment