@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, September 3, 2010

by Vinia Vivar   
Friday, 03 September 2010 18:32
Sa panayam namin kay Ryan Agoncillo last Wednesday night sa presscon ng iniendorso niyang Enervon multivitamins, dumating sa puntong napag-usapan ang sex life.

May nagtanong kasi kung na-try na ba nila ng asawang si Judy Ann Santos ang tamang posisyon kapag buntis ang babae.

“Eh, sabi lang sa akin ng doktor, darating ang panahon na kailangan nang sundutin, este, sunduin ang bata. Hahaha!”

So, ano nga ang advice ni Dok?

“Kaya nga maganda ang mga regalong nabibigay ko sa doktor namin, kasi siya ’yung may control noon recently, eh. Siya po ang magsasabi, ‘Juday, can be. Ryan, cannot be.’ Hehehe,” natatawang say pa ni Ryan.

Plano ba niyang mag-leave (paternal) kapag nanganak si Juday o ’pag malapit nang manganak?

“As much as I can. Yeah, I already told Talentadong Pinoy. We are actually taping in advance.

“Pero hindi naman siguro mahaba kasi, my schedule is still hectic but it’s still a normal schedule. It’s a manageable schedule. It’s not a crazy schedule.  Kasi manily, I’m doing hosting lang, eh. Hindi siya puyatan the next day, so, okey pa naman.”

Sa ngayon, malikot na raw si Lucho (nickname ng baby nila) sa loob ng tiyan ni Juday.

“Natatawa ako kay Juday kasi minsan daw masakit, eh. So, kapag ano, nag-aargumento na sila kabata-bata. ‘Uy, easy ka lang d’yan. Hindi ako makanood ng sine nang maayos.’ Masakit daw, eh. Malikot. Ganu’n daw ’ata kapag lalaki.”

No comments:

Post a Comment