@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, October 8, 2012

Judy Ann Santos, tuluyan na nga bang nakasundo si Piolo Pascual?



Sa naganap na trade launch ng Kapamilya network sa Bonifacio Global City ay nakita ng marami na nagbatian sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan ni Juday at Piolo ilang taon na ang nakakaraan. Dumating umano sa punto na hindi nag-uusap ang dating magkatambal dahil sa kanilang naging tampuhan. Itinanggi naman ng Teleserye Queen na may sama siya ng loob sa aktor. Aniya, matagal na umano silang nagkikita ni  Piolo Pascual kahit wala sa harap ng kamera. Nilinaw ni Judy Ann Santos na madalas silang magkasama ng aktor at hindi naman daw nila kailangang ipakita sa tao na nag-uusap sila. Dagdag ng aktres, maganda ang relasyon nila ni Piolo at matagal nang natapos ang isyu sa pagitan nila.
Kinumpirma naman ni Piolo Pascual sa isang hiwalay na interview ang kanilang pagkikita ng Against All Odds star. Ayon kay Piolo, hindi naman daw mawawala sa kanila ni Juday ang magandang samahan dahil na rin sa kanilang pinagdaanan bilang magkatambal at magkaibigan. Naniniwala si Piolo Pascual na hindi mawawala ang kanilang pagkakaibigan ni Judy Ann Santos kahit kailan. Nasa iisang pamilya lamang din daw ang dalawa kung kaya walang dahilan para sila ay mag-iwasan pa. Wala naman daw problema sa aktor kung magkaroon sila ng teleserye o pelikula na magkasama ni Juday. Ayon kay Piolo, kung papayag umano si Judy Ann Santos ay suportado niya ito. Pareho naman ang naging reaksyon ng dalawa patungkol dito dahil mahalaga umano ay mapag-uusapan nang maayos ang proyekto.
 0

No comments:

Post a Comment