@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, October 12, 2012

Judy Ann Santos, gusto magkaroon ng kambal na anak


http://tsismoso.com/judy-ann-santos-family/

Bagamat aminado si Judy Ann Santos na mahirap magpalaki ng anak ay gusto pa rin umano nila ng asawang si Ryan Agoncillo na magkaroon ng kambal na anak. Hindi itnanggi ng aktres na napapag-usapan nila ni Ryan ang usaping ito ngunit hanggang dito na lamang daw ito. Sa likod ng matagumpay nilang career ni Ryan Agoncillo ay isa pa rin umanong malaking pagsubok para kay Judy Ann Santos ang magiging kinabukasan ng kanilang dalawang anak. Madali lamang daw gumawa ng anak ngunit mas mahirap umano ang magpalaki nito sa totoong buhay. Kahit artista pareho sina Ryan at Juday ay natatakot pa rin sila dahil hindi nila alam kung hanggang saan ang kaya nilang ibigay sa mga bata na magandang buhay.

Hindi naman daw problema kay Ryan Agoncillo at misis nito kung masundan man ng kambal na kapatid sina Yohan at Lucho. Sa ngayon ay balanse umano ang pamilya ni Juday dahil tig-isa sila ngayon ng mister nito. Kung sakaling palarin na magkaroon ng kambal na anak sina Judy Ann Santos ay mas magiging masaya umano sila nito. Kapag isa lamang ang madadagdag sa pamilya nina Juday at Ryan ay may posibilidad na may isang maiiwan palagi. Kung magdadagdag lamang daw ng anak ang mag-asawa ay sisiguraduhin na nila na marami na ito.

Parehong abala ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kani-kanilang mga proyekto. Pinaghahandaan ngayon ng Teleserye Queen ang bago nitong proyekto na MasterChef Pinoy Edition at ang nalalapit niyang teleserye kasama ang aktor na si Sam Milby. Samantalang si Ryan naman ay abala rin sa pagiging host hindi lamang sa Eat Bulaga kundi pati na rin sa talent search reality show na Talentadong Pinoy. Sinisigurado naman daw nina Ryan Agoncillo at kaniyang misis na magkaroon ng oras para sa kanilang dalawang anak.

Parehong lumalabas sa mga commercial ang dalawang anak nina Judy Ann Santos kung kaya naitanong kung papayag ba ang mga ito na pumasok ang mga bata sa showbiz sa batang edad. Ang mahalaga raw para kay Juday at Ryan ay matapos ng mga bata ang kanilang pag-aaral. Suportado naman daw ng mag-asawa kung ano man ang gustong gawin ng kanilang mga anak pasukin man nila ang showbiz o hindi. Ang paggawa naman daw ng mga commercials ay hindi nakakasagabal sa pag-aaral ng dalawang bata kung kaya pumapayag sina Ryan Agoncillo na gawin ito.

No comments:

Post a Comment