@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, October 8, 2012

Coco is striking while the iron is hot




http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/39376-coco-is-striking-while-the-iron-is-hot
During break time kahapon sa wedding scene nina Katerina Alcantara (Julia Montes) at Daniel Guidoti (Coco Martin) ay nakausap namin si Coco and asked him kung ano ang pakiramdam niya ngayong magtatapos na ang Walang Hanggan.

“Masaya na malungkot. Masaya kasi siyempre, nasulit ’yung pinaghirapan naming dahil na-appreciate siya ng mga tao, tapos di ba, na-extend siya, kung baga, parang kasi ’di ba, bawat soap naman, walang kasiguraduhan kung magiging successful ba, kung magre-rate or magugustuhan ng mga tao.

“Syempre, sa rami ng network ngayon, maraming kumpetisyon, nakakatuwa lang, kasi na-appreciate siya ng mga tao.

“And then, malungkot, kasi, para sa akin, nagkaroon kasi kami ng bonding, eh, ’yung mga kasama kong artista, sina tita Helen, sina Tita Susan, parang mga lola ko na talaga, sina Kuya Goma saka si Miss Dawn, naging kaibigan ko, alam mo ’yun na naging magkakaibigan kami, sina Paulo, sina Joed, sina Melissa, nagkaroon talaga ng bonding.

“Di ba, ’yung ibang soap, kadalasan, mga 4 months (ang itinatagal), eh, ito, almost 11 months, nagkaroon kami talaga ng parang family dito sa soap,” say ni Coco.

Ano naman ang masasabi niya na ginastusan ng P3.2M ng management ang wedding scene na ito?

“Hehehe, hindi ko alam actually, pero siyempre, masarap sa pakiramdam kasi from the start naman talaga, hindi siya tinipid. ’Di ba, nagpunta kami sa iba’t ibang lugar, nagpunta kami ng Italy, nagpunta kami ng America para bigyan talaga ng magandang kuwento at location ang soap.”

Tulad nga raw ng tunay na groom, ninenerbyos din ang pakiramdam niya sa wedding scene nila ni Julia.

“Siyempre, bitbit namin ang mga characters namin, eh. Ako lalo, patapos na ’yung show, ayokong bitawan. Kumbaga, nasimulan na namin tapos ngayon pa ba kami bibitaw?”

Pagkatapos ng Walang Hanggan, ani Coco ay inaayos pa raw ang susunod na teleserye pero in the meantime ay tatapusin muna raw niya ang mga nakabimbim niyang pelikula.

“May gagawin akong movie with Julia, hindi ko pa alam kung Star Cinema, eh, kasi binubuo pa lang naming ’yung konsepto, pinag-uusapan pa namin.

“Tapos, sana, masimulan na rin ’yung movie with Marian (Rivera), after this, medyo maluwag na ang schedule so, sana, masimulan na.

“Binubuo pa ’yung movie with Miss Vilma Santos and Miss Nora Aunor, kasi ’yung availability rin nila siyempre ang inaayos. Tapos ’yung movie rin namin ni Miss Judy Ann (Santos), sana, magkaroon na rin ng linaw kasi dati, ako libre, siya hindi, tapos, nagkaroon naman ng time na ako na ang hindi libre, siya ang libre.

“Tapos ngayon, malilibre na naman ako, busy na naman siya,” natatawang sabi pa ni Coco.

No comments:

Post a Comment