@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, April 16, 2012

Ryan, emotional sa sorpresa nina Juday, Yohan at Lucho!



Alfie Lorenzo
Isang espesyal na epi­sode ang hatid ng Talentadong Pinoy ngayong Linggo.

Muling magtatagisan ng galing ang mga dating winners para sa isang kapanapanabik na wildcard epi­sode. Dito ay magkakaroon sila ng pagkakataong makasali sa nalalapit na Battle of the Champions.

Ang power singer na si Yumi Morales, hula-hoop child wonder Reese Portulan, blind si­nger at keyboardist Jerimie Tampoy, wire balancer Shiba Gonzales, acrobatic dancers Exodus at ang singing diva na si Rhyzza Kafilas ang maglalaban-laban sa special wildcard episode ngayong Linggo.

Ang mananalo ay magiging kabilang na sa mga Hall of Famers at maglalaban-laban sa nalalapit na Talentadong Pinoy Battle of the Champions sa Mayo 5 at 6 sa Quezon City Memorial Circle.

Bukod sa mga naggagalinggang mga contestants, dapat ding abangan ang espesyal na sorpresa na inihanda ng Talentadong Pinoy para sa kaarawan ng host na si Ryan Agoncillo.

Siguradong ikatutuwa ng mga manonood na makita ang asawa ni Ryan na si Judy Ann Santos at ang kanilang cute na mga anak na sina Yohan and Lucho.

Sabi nga ni Ryan, kahit araw-araw niyang nakakasama ang pamil­ya niya sa bahay, nagi­ging emotional pa rin siya sa mga ganu’ng pagkakataon, na hayun nga at sinusorpresa siya, kaya maluha-luha na naman siya.

“Hindi pa rin ako nasasanay. Iba talaga kapag ang family mo ang nagsu-surprise sa iyo,” sey pa ni mister ni Juday.

No comments:

Post a Comment