@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, April 17, 2012

Marian, palaban pag binabastos


ALFIE LORENZO




 
EMAIL mula kay Briggs Parysta (handsome_bi_discreet2011 ang yahoo username) noong Sabado na may subject na, “Bakit Mahal ng Masa sina Juday at Marian?”
“…Bakit nga ba mahal ng masa sina  Judy Ann Santos at Marian Rivera? Kung titingnan natin ang naging career path ni Juday, noon pa dapat siya hinirang na successor ni Ms. Nora Aunor. Why?
“Hindi ba’t nilait-lait noon si Ate Guy dahil sa pagiging maitim at pandak at di kagandahan pero sumikat?
“Si Juday naman, ilang beses nilait ang katawan  at tinawag pang Moon-like Face at Flopsina Queen pero vindi­cated si Juday dahil sa mga kasabayan niya, siya lang ang naka-survive!
“Nasaan na ba sina Jolina, Claudine, Rica at iba pa? Hindi ba’t naglamlam na ang mga bituin nila samantalang si Juday dahil sa inner happiness na nararamdaman sa family at career ay lalong gumanda at kitang-kita ito sa aura niya ngayon.
“About Marian naman, kahit anong tawag nilang palengkerang bobita si Marian, hindi nila mapapasubalian na minahal siya ng masa sa kanyang pagiging natural.
“Kung ibang babae na ganoon kaganda, tiyak na nuknukan na ng arte at pasosyal.
“Pero si Marian ay lumaking kasama ang mga anak ng driver, katulong, mga taga-public schools at makikita mong kumakain ng street food sa daan.
“Kailan man ay hindi ikinahihiya ni Marian na hindi siya marunong mag-Ingles at hindi siya matalino pero ang maha­laga, degree-holder siya at nagtiyagang makatapos para sa kanyang lola.
“Kaya kahit Inglesera pa sina Heart Evangelista, Bela Padilla, Lovi Poe at kahit pa-demure effect si Angel Locsin, talung-talo sila ni Marian dahil siya, kahit paano ay titulada.
“Gusto rin naming ipaliwanag once and for all ang pinalaking issue ng detractors ni ­Marian tungkol sa ­‘Psychology ako.’
“Ang pagbanggit noon ni Marian ng ganoong terminology ay kalakaran na sa college students.
Kumbaga, lenggwahe na iyun ng mga taga-kolehiyo. Wala itong ipinag-iba sa usapan ng mga magka­klase sa college na, ‘Anong course mo? Engineering kami, kayo?’ ‘Educ kami.’ ‘A. B. kayo, di ba?’ ‘Oo, A. B. kami.’
“Ganyan ang usapang pangkolehiyo at lahat ng nagkolehiyo ay ­na-experience ang ganyang usapan na putol at hindi na binubuo ang Engineering course kami.
“Noong ininterbyu si Ms. Marian ng ABS-CBN, at sumagot siya na, ‘Kasi Psychology ako’, ang ibig niyang sabihin, ‘Psycho­logy ang course ko!’
“Ang mga bobo ay ang mga nagpalaki ng issue. Hindi nila alam ang ganoong pasakalyeng lenggwahe ng college students, kasi, hindi nila naranasang mag-aral sa kolehiyo.
“Kailanman ay hindi mabubura sa isip ng masa ang pinasikat ni ­Juday na karakter ni Mara, at ­Marimar naman ang kay Marian. Naalala ko pa, ilang beses siniraan si Juday na suplada pero walang naniwala.
“Hindi ba’t pinalaki rin ng ABS-CBN ang video scandal ni Marian na nagalit siya noong bastusin siya ng isang male fan at kunan ng video sa taping ng Dyesebel kung saan bawal?
“Nagpunta pa ang staff ng show ng ABS-CBN sa Cavite para mag-interview at magbaka-sakaling ang mga kapitbahay at kaklase ni ­Marian doon ay mag­salita na talagang mataray siya ngunit nabigo sila at hindi na inere ang resulta ng interview nila dahil puro magagandang komento ang sinabi ng mga taong higit na nakakakilala kay Marian.
“Lalong natameme ang ABS-CBN nang pati ang grupo ng GABRIELA ay kumampi kay Ma­rian at lahat ng Caviteña dahil ganuon daw ang ­Caviteña, palaban kapag binabastos na.
“In other words, they cannot put good women down.
“Sina Juday at Marian ay pinagkakatiwalaan ng advertisers dahil sa pagiging simple at totoo. Hindi sila laman ng mga bar at nite life trip.
“Pareho silang homebody, mas gustong i-spend ang oras sa pa­milya -- Juday with Ryan and her two kids, at si Marian with her lola, mommy and of course Dingdong.
“Conservative sila pareho sa pakikipagrelasyon. Si Juday, kahit binobola ng leading men na gustong manggamit sa kanya noon (hindi ko na babanggitin ang name, baka sumikat pa sila), never siyang pumatol.
“Hinintay niya ang isang Ryan Agoncillo na napaka-gentleman at hindi siya ginamit.
“Si Marian, nakadalawang bf lang at pangmatagalan talaga. Hindi katulad ng iba na naligawan lang sa Twitter ay nakipag-date na at papalit-palit  pa ng boyfriend.
“Ito ang simple reasons kaya mahal ng madla sina Juday at Marian, ang dala­wang superstar sa kani-kanyang henerasyon!”



source here

No comments:

Post a Comment