@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, April 20, 2012

LUCHO, INILAPIT NI JUDAY SA MGA MADRE



Sa wakas ay natupad na ang hiling namin at ng mga Madre na dalhin ni Juday si Lucho sa Carmelite Convent sa Angeles City. Nagpunta sila doon nina Ryan at Yohan. At naki­pag-audience sila sa mga Madre na sa loob lang ng kumbento nananatili.

Ang mga Carmelite Nuns ang siyang nagpapamisa araw-araw para sa amin. Sila ang mataimtim na nagdarasal sa Sto. Niño na bigyan sina Juday at Ryan ng isang malusog na baby boy, a symbol of the child Jesus.

Ibinigay ng Sto. Niño ang ipinagdasal ng mga Madre. Hayun si Lucho na siyang umuukupa ng mahahalaga at magastos na oras at araw ni Juday. Ipinagpalit nga ni Juday ang trabaho niya sa pag-aalaga kay Lucho.

Matagal hiniling ng mga Madre na makita nila nang personal si Lucho. Kabilang na ako sa mga nagpapayo kay Juday na ipakita na sa mga Madre si Lucho sabay ng pasalamat sa natatanging regalo sa kanilang mag-asawa.

Madalas na dahilan ni Juday sa akin ay hindi pa raw siya nanga­nganak ay araw-araw na siyang nagpapasa­lamat sa Sto. Niño. Pero iba ‘yung babalik ka sa lugar wherein you made the request.

Similar sa ten lepers na ginamot ni Hesus na isa lang ang nagbalik para magpasalamat. Ewan ko kung ano ang finally naka-convinced kay Juday to finally take the trip for Lucho sa Carmelite Convent. But then, masaya na ako dahil na-erased lahat ang mga fears and premonitions ko!

Mabuhay ka Lucho!



source here

No comments:

Post a Comment