@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, April 12, 2012

Juday, inuulan pa rin ng biyaya


ALFIE LORENZO

May mga artistang reklamo nang reklamo ‘pag walang trabaho. ‘Pag meron naman at natambakan ng trabaho, reklamo pa rin! Asus!

Naguguluhan na tuloy ang Diyos kung ano ba talaga ang gusto ninyo?

Ngarag sa katatrabaho o ngarag sa kahahanap ng trabaho?

Remember ‘yung mga lumalakad pa nang paluhod sa kadadasal sa paghingi ng trabaho!

Ang palagi kong bilin noon kay Judy Ann Santos, huwag kang magreklamo ‘pag dumami ang trabaho mo. Basta magdasal ka at magpa­salamat sa Diyos, “Marami pong salamat, Lord, sa maraming trabahong ibi­nigay Mo sa akin.

“Bigyan Mo po ako ng lakas para magawa kong lahat itong mga iniatang Mo sa balikat ko!”

Kita n’yo naman, until now, may Lucho na si Juday, inuulan pa rin siya ng grasya. ‘Yun eh dahil sa mga pari at madre na nagdarasal para sa kanya at may misa araw-araw para sa kaginhawahan niya sa buhay!

That is the #1 lesson na dapat matutuhan ng lahat ng mga artista, lalo na ng mga butiki at bubuwit diyan sa Star Ma­gic, ‘noh?!

Na hindi alam ituro ng mga pinuno nila. Hehehehehe!!!!

No comments:

Post a Comment