@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, May 1, 2011

Juday at Ryan, nasa honeymoon stage pa rin


(Dondon Sermino)



Twelve pounds na raw ang nababawas sa timbang ni Judy Ann Santos ngayon. Birong sabi nga ni Juday, nakakapagsuot na raw siya ng pantalon, na hindi tulad nu’ng bago siyang panganak, na hindi talaga niya maisuot ang mga pants na type niyang suutin.
Sey ni Juday, pipilitin pa raw niyang magbawas pa ng timbang. At hindi raw imposible ‘yon, dahil nagawa na niya ‘yon noon.
Kahapon din ay nagdaos ng Thanksgiving Mass si Judy at ang mister niyang si Ryan Agoncillo para sa kanilang ikalawang taong anibersaryo ng kasal.
Kuwento ni Juday, simple lang daw ang naganap na selebrasyon nila ni Ryan nu’ng Huwebes (eksaktong araw ng kanilang anibersaryo). Nagluto lang daw siya sa bahay nila at may mga kaibigan daw silang dumating, na nakasalo nila sa hapag-kainan, kasama ang pamilya.
Pero, bago raw ang kanilang anibersaryo, inasalto raw sila ng mga malalapit nilang kaibigan.
“Parang ginawang birthday, na nag-asalto sila,” sey ni Juday.
Anyway, kitang-kita sa pisngi ni Juday ang kaligayahan. Obserbasyon nga ng mga nakakakita sa kanya, para pa rin silang nasa honeymoon stage ni Ryan ngayon.
Biro pa nga namin kay Juday, parang ‘panay-pa­nay’ pa rin ang honeymoon nila ng mister, kaya hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanyang mukha.
“Grabe naman! Panay-panay! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Pero, honestly, masuwerte ako na si Ryan ang napangasawa ko. Sabi nga, worth talaga ‘yung matagal na pinaghintay ko.
“Kami kasi ni Ryan, bago naging kami, magkaibigan na kami. Bago kami kinasal, parang bestfriends na kami. So, up to now, ganu’n pa rin kami, para pa rin kaming mag-bestfriends.
“Ang maganda sa amin, nasasabi namin ‘yung mga dapat sabihin sa isa’t isa,” kuwento ni Juday.
Buong ningning na sinabi nga ni Juday na bilang mister ay good provider si Ryan. Pinapili nga raw siya ni Ryan sa mga gusto niyang gawin ngayon. Kung gusto raw ni Juday na bumalik sa trabaho ay okey lang kay Ryan, pero kung type raw nito na magpahinga muna at alagaan ang kanilang mga anak, ay okey na okey rin kay Ryan.
Inamin ni Juday na nami-miss na niya ang pag-arte. Buong buhay nga raw niya ay umaarte siya, kaya hindi maalis na hanap-hanapin niya ito.
Pero, dapat daw ay makahanap siya ng isang sobrang gandang pelikula, na puwedeng maging matibay na dahilan para iwanan niya pansamantala ang kanyang mga anak, para magsyuting.
Sa ngayon daw kasi, kapag umaalis siya ng bahay na hindi kasama ang mga anak niya ay nalulungkot na siya. Parang gusto raw niyang bumalik agad sa bahay at tingnan at ala­gaan ang mga bata.
Anyway, kahit naman daw nasa bahay lang siya ay dumarating pa rin ang mga biyaya mula sa Diyos. Tulad na lang ngayon na may bago na naman siyang endorsement, ang Del Monte Pineapples.
Adobo na nilagyan ng Del Monte Pineapples ang paboritong lutuin ni Juday para kay Yohan, samantalang sinangag na nilagyan din ng naturang sangkap ang niluluto naman niya kay Ryan.
Sabi ng representative ng Del Monte Pineapples, napili nilang endorser si Juday dahil alam na alam daw nito ang tungkol sa pagkain at mga sangkap na bagay dito.
“As a mother and an avid cook, it is very important for me to give my family, most especially my kids, the proper nutrition by serving them delicious and nutritious meals. Therefore, I’m always looking for new delicious and healthy recipes that will surely whet my fa­mily’s appetite,” sey pa ni Juday.

No comments:

Post a Comment