@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, May 2, 2011

Akting Ni Judy Ann hinahanap-hanap na ng kanyang katawan

Noong Huwebes ay nag-dinner date sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa kanilang second wedding anniversary.

Abala ngayon si Juday sa pagiging ina kina Yohan at Baby Lucho at pagiging maybahay naman kay Ryan, kaya hindi pa siya tuluyang makabalik sa pag-arte.

Hinahanap-hanap na rin daw ng aktres ang kanyang mga ginagawa bilang artista. “Oo naman! Nami-miss ko rin naman sila. Paunti-unti, paisa-isa, may mga trabaho naman na pumapasok pero hindi ko pa ma-commit ‘yung sarili ko sa pag-arte kasi wala pa ring one year si Lucho. Siguro, hindi ko kayang ma-miss ‘yung milestones ng anak ko tapos si Yohan ay big school na rin this school year so ito yata ang pinaka-importanteng taon sa aming mag-asawa para sa mga anak namin, kasi ito ‘yung times na hindi puwedeng walang guidance ng mga magulang. Waiting lang din po ako ng tamang project, habang naghihintay konting gym-gym muna ang mangyayari para mas maging fit lang, mas magandang tingnan sa screen,” pahayag ni Juday. - Reports from JAMES C. CANTOS

No comments:

Post a Comment