@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, May 1, 2011

Judai lost 12 pounds




Natakot lumobo nang tuluyan Juday minadali ang pagpayat, 12 lbs. sa loob ng 3 linggo lang
SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated May 01, 2011 12:00 AM Comments (0)




Nagbunga ang pagda-diet ni Judy Ann Santos. Kahapon sa presscon ng Del Monte Pineapples, iisa ang bati ng lahat sa kanya : ‘pumayat ka na.’

Samantalang ‘yung huling presscon niya for Lactum milk, grabe ang comment sa kanya. Hindi na raw siya nagpapahuli sa ‘kapatid’ niyang si Sharon Cuneta.

Pero ‘yun nga, pinatunayan ni Mrs. Ryan Agoncillo na hindi tuluyang lumobo ang kanyang katawan six months after niyang iluwal ang panganay nila ni Ryan na si Lucho.

Bakit ba ang bilis niyang pumayat?

Cohen program. Yup, isang bagong uri ng prog*rama ng pagpapapayat.

Ito ay isang paraan ng pagpapayat na hindi mo kailangang magpasipsip ng taba. Yup, as in rapid weight loss. Ito raw ay isa ring wellness program na itinatama ang hormonal imbalance na nagiging sanhi ng sobrang pagtaba.

At ito ang ginamit ni Juday para mabilis na matanggal ang taba niyang naipon sa pag-i-enjoy niya sa pagkain.

Imagine sa loob ng tatlong linggo, 12 lbs na agad ang natanggal na taba sa kanya.

Six months daw ang isang session at hindi naman daw kamahalan ang bayad.

But she emphazised na hindi naman daw lahat diet ang ginagawa niya. Sinisiguro rin niyang meron siyang exercise.

“Pag minsan, tumatakbo ako sa village. At sa init ngayon, nakaupo ka lang, papawisan ka na, so go.”

Inamin din niyang wala siyang regret na tumaba siya nang mabuntis hanggang sa manganak siya.

“Parang pakiramdam ko kasi, buong buhay ko naman, nagpapapayat ako. Kaya nang nanganak na ako, parang ibinigay ko naman sa sarili ko,” sabi niya na aminadong sarap na sarap talaga siyang kumain.

Before Holy Week lang niya itinigil ang pagkain ng marami.

Teka kung sa loob ng tatlong linggo ay pumayat siya ng 12 lbs., so after another three weeks, 12 lbs na naman ang mawawala sa kanya, ibig sabihin pagdating ng June, sexy na uli siya.

Ang bongga.

Anyway sa pagi-endorse niya ng Tidbits pineapples, matiis niya kayang hindi kumain?

Mismong mga recipe niya kasi ang sini-share niya na sa tingin ko palang ay super yummy na.

“ As a mother and an avid cook it is very important for me to give my family, most specially my kids, the proper nutrition by serving them delicious and nutritious meals. Therefore, I’m always looking for new delicious and healthy recipes that will surely whet my family’s appetite,” say niya na hindi naman pala sa kanya lang ang niluluto niya.

No comments:

Post a Comment