@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, June 16, 2013

Sam, naghubad sa harapan ni Judy Ann

http://www.balita.net.ph/2013/06/17/sam-naghubad-sa-harapan-ni-judy-ann/#.Ub97QeeceSo


Ni Jimi C. Escala
Sam MilbySA presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala umamin si Sam Milby na naging crush niya si KC Concepcion.
“I have it before na, that I had a crush on her. It just happens to some people na… kami, we became friends. `Yun kasi ang nangyari sa amin. We’re friends naman for the past three years,“ sey ni Sam nang makausap namin.

Binanggit din ni Sam na noon pa ay lagi lang silang naririyan ni KC para sa isa’t isa tuwing kailangan nila ng advices tungkol sa kahit na anong problema. Pero hanggang friends lang daw sila ng dating kasintahan ng kaibigan niyang si Piolo Pascual.
May pagkabayolente ang role ni Sam sa Huwag Ka Lang Mawawala, ang kabaligtaran niya na napakahaba ng pasensiya sa totoong buhay.
Nagagalit din naman daw siya, pero hindi pa dumating sa punto na kaya niyang mananakit ng babae.
“I will never do that,“ sey niya.
Ang kadalasan daw na ikinagagalit niya ay ang sobrang trapik. Pero kahit umiinit ang ulo, sadyang mahaba ang kanyang pasensiya.
Binanggit din sa amin ni Sam na may isang eksena sa Huwag Ka Lang Mawawala na naghubad siya sa harap ni Judy Ann Santos. Hindi naman daw siya naiilang sa ginawa niya.
“Sa totoo lang, thank you kay Juday for flattering me. Mas nakakahiya sa akin kapag nahihirapan ako sa eksena na hindi naman ‘yung ganito,” banggit pa niya.
Hindi lang ang magandang katawan ni Sam ang pinuri ng Queen of Teleserye kungdi pati na rin ang kanyang akting.
“All I can say is that I’m honored and thankful. Sana nga lang ay hindi ko siya ma-disappoint at ang management at pati na rin ang mga manonood,” lahad pa ng binata.
Sobrang challenged si Sam sa sarili niya, kay Juday at pati na sa management.
“Juday has mastered the art of acting. ‘Yung makaeksena ko siya, I’m just pressuring myself to really be good. Gusto ko talagang ipakita na I’m taking it seriously na gusto ko talagang mag-improve sa craft and gusto kong ipakita na kaya kong gawin ang ganitong role,” sabi pa ni Sam.


Read more http://www.balita.net.ph/2013/06/17/sam-naghubad-sa-harapan-ni-judy-ann/

No comments:

Post a Comment