@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, June 16, 2013

Ryzza Mae, lumaki sana na kasingganda ni Juday!

Hindi lang si Ryzza Mae Dizon ang natuwa sa birthday party niya kundi ang buong barangay nila sa Angeles City. Mangiyak-ngiyak nga si Ryzza sa party niya sa Plaza Ibarra nu’ng Miyerkules ng hapon dahil first time siyang nagpa-party sa buong buhay niya at 78 years old daw niya.

Happy siya kasi nga binigyan siya ng party ng Eat Bulaga, kaya nabulaga siya sa dami ng mga bisita niya from her playmates in Pampanga to her mga Kabalen na dumalo. Su­god talaga ang mga kabarangay ni Ryzza inclu­ding one with a baby a few weeks old pa lang na naka­balot sa tuwalya na akala ko ay malaking pan de monay lang.

Tulog na tulog ‘yung baby nang masalubong ko ang may dala na uuwi pa nga ng Pampanga nu’ng gabing ‘yun eh nag-uulan pa naman. Baka magkasakit ‘yung sanggol, noh!

Lahat naman ng mga artistang wish ni Ryzza na dumalo ay nanduon from Susan Roces to Helen Gamboa to Pilita Corrales down to Aljur Abrenica na request  ni Ryzza and the whole Dabarkads niya sa Bulaga.

Ang adult wish ni Ryzza ay manatili silang one happy family. Bakit kaya, malungkot kaya ang relasyon ng papa at mama niya? Umiyak din nang todo sa party ang mama ni Ryzza na sinaba­yan din niya ang pag-iyak. Aba, ayaw kong one of these days ay mag-ala-Charice din sila, ha!

Ang wish ko kay Ryzza on the air ay “Sana lumaki kang kasing-ganda at kasing-sexy ni Juday!” na ikinatawa ng lokah! Naging guest na rin kasi ni Ryzza si ­Juday sa show niya.

No comments:

Post a Comment