@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, June 16, 2013

Juday, nanganay nang bonggang-bongga

http://www.abante-tonite.com/issue/june1713/showbiz_others02.htm#.Ub-EbueceSo
(ALLAN DIONES)
 
TWO years na hindi gumawa ng teleserye si JudyAnn Santos kaya aminado siyang ‘nanganganay’ siya sa bago niyang primetime soap opera sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.
Aniya, hindi niya alam kung paano niya itatawid ‘yung mga eksena na hindi magmumukhang nanganganay siya.
“Sa totoong salita, nu’ng first taping days namin, sobra akong takot na takot. Sobra akong kabadung-kabado. Nanganganay ako nang bonggang-bongga.
“Hanggang magkaroon ako ng breakdown scene na hindi ako makaiyak, kasi masyado kang masaya.
‘Yung hindi ka maiyak, kasi hindi mo na alam kung saan ka pa huhugot ng lungkot? ‘Yung gano’n.
“‘Yung parang, ‘Bakit ako nahihirapan? Dati naman, hindi ako nahihirapan. Ibig bang sabihin, dati, palagi akong malungkot?’ May gano’n ka.
“Tapos dati, isang pitik lang, nakakaiyak ako. Nakakapagpatulo ako ng luha. Ngayon, hirap na hirap ako.
“Kasi, parang hindi ko na kayang i-detach ‘yung sarili ko sa personal at propesyonal.
“Parang ngayon pa lang ulit ako nasasanay. Ngayon pa lang ulit ako nakakabalik with the help of the directors. Talagang ang tinding pagbabago ‘yung kailangan kong gawin, kasi meron akong kailangang patunayan,” seryosong lahad ng tinaguriang Reyna ng Pinoy Soap Opera.
***
Tutal ay naiintriga sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo na kesyo naghiwalay na raw sila at nagpa-annul, nasabi ba niya ever kay Ryan ang linyang ‘huwag ka lang mawawala’?
“Baka nabatukan ako ng asawa ko ‘pag sinabi ko ‘yan. Ha! Ha! Ha! Baka sabihin ng asawa ko, ‘Ano bang pinagsasabi mo? Nakainom ka ba?’ Ha! Ha! Ha!
“Hindi pa naman. Hindi naman at hindi. Basta alam n’yo ‘yung faith n’yo at ‘yung love ninyo for each other nandiyan lang, hindi mo naman sasabihin ‘yung words na ‘huwag ka lang mawawala.’
“Wala sa bokabularyo namin ‘yon,” pakli ng napaka-blooming nga­yon na Kapamilya actress.
***
Focused muna si Juday sa Huwag Ka Lang Mawawala dahil ayaw niya raw magbigay ng malasadong trabaho sa mga tao. Ayaw niyang mapulaan. Nakakahiya raw na after two years na paghihintay ng manonood ay magbibigay siya ng trabahong hindi niya pinagbutihan.
Basta sa ngayon ay masaya siya sa royal treatment na ipinapagkaloob sa kanya ng Kapamilya network.
Wala na raw siyang mairereklamo dahil OA na kung magreklamo pa siya.
Ngayong gabi na ang pagsisimula ng Huwag Ka Lang Mawawala sa Kapamilya Primetime Bida pagkatapos ng Juan dela Cruz. 

No comments:

Post a Comment