@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, June 25, 2013

Kahit reyna na ang bagong title TF ni Juday hindi nadagdagan


Sa tagal na ni Judy Ann Santos sa industriya, na­gu­gulat pa siya sa mga nararanasan niya mismo. Overwhelmed kasi siya sa lahat ng attention at pag-aalaga sa kanya ng ABS-CBN mula nang magsimula siyang magtrabaho sa Huwag Ka Lang Mawawala.
Ang bagong teledrama ang pagbabalik ng reyna sa kanyang favorite genre, kaya naman ang lahat ng bagay na bigay sa kanya ng network ay fit for a queen!
Ang tanging reklamo ng mga taong malapit kay Juday, hindi naman tumaas ang talent fee niya. The same pa rin ang suweldo niya dahil dati pa rin ang contract. Kapag pumirma ang aktres ng bagong kasunduan, tiyak na baka madoble na ang kita niya.
Kay Juday naman, walang narinig na reklamo. Tuloy ang pagbigay niya ng best effort upang tiyak na mapaganda ang Huwag Ka Lang Mawawala.

No comments:

Post a Comment