Thursday, October 6, 2011
Ryan, walang rason para patulan si Daiana!
Tinatawanan lang ni Ryan Agoncillo ang lumabas na tsismis tungkol sa kanila ng co-host niya sa Eat Bulaga na si Daiana Menezes. Matatandaang nangarag ang beauty ni Daiana nu’ng mga nakaraang linggo dahil sa panggugulo at pang-aaway sa kanya ng mga fans nina Ryan at Judy Ann Santos.
Naghimutok nga si Daiana dahil sa kung anu-ano ang mga itinatawag sa kanya ng mga fans ng mag-asawa sa Twitter.
Alam ni Ryan kung saan at paano nag-ugat ang pagkaka-link sa kanya kay Daiana. Nag-ugat daw ito sa isang item na naisulat ng kilala niyang writer.
Pero, agad namang naglinaw si Ryan na walang katotohanan ang mga tsismis na may lihim silang landian ni Daiana, lalo na kapag magkasama sila sa Eat Bulaga.
Sabi nga ni Ryan, normal at kaswal lang ang samahan nila ni Daiana na walang pinagkaiba sa mga female co-host niya sa Eat Bulaga.
Hindi nga raw ito pinatulan ng misis niyang si Juday dahil alam nitong walang katotohanan ang balita. Sabi pa ni Ryan, wala raw rason para magloko siya dahil masaya siya at kuntentung-kuntento sa misis niyang si Juday.
Anyway, proud na proud si Ryan sa mabilis na pagpayat ni Juday.
“Kelan mo huling nakita si Juday?” tanong niya sa amin na sinagot naming sa show nito sa ABS CBN na Junior MasterChef.
“Ay naku, matagal na ‘yun. You should see her now. She’s more payat. Malapit nang bumalik ang dati niyang katawan before we got married,” pagmamalaki ni Ryan.
SOURCE: http://abante.com.ph/issue/oct0611/ent_rp.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment