@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, October 10, 2011

Judy Ann Santos shares her slimming secrets, talks about being a mommy


STORIES - HOT NEWS by admin posted on October 10, 2011
BY JAMIE ORTEGA PHOTO BY MARK JACOB A visibly slimmer and blooming Judy Ann Santos greeted the press at the Eat Bulaga! coffee table book launch last October 6, 2011 at Whitespace in Makati. She accompanied her hubby Ryan Agoncillo, who is one of the noontime show’s regular hosts. Juday, as she is popularly called, shared her diet secrets to Inside Pinoy Showbiz. She also talked about parenting and her bonding moments with her two kids, Yohan and Lucho. Read on to learn all about it! How is Lucho? Do you still breastfeed him? Yes, nagugustuhan ko, actually. Para sa akin, ang breastfeeding ang pinaka-bonding moment mo with the bagets, eh. Yun ang time na makakapag nilay-nilay ka. Pag nag-bre-breastfeed ako iniisip ko na lumabas ba talaga ito sa tiyan ko? May nabuo ba talagang tao sa tiyan ko sa loob ng siyam na buwan? You’ve lost more than 47 pounds after giving birth. How did you do it? Diet, exercise, no carbs talaga, and as much as possible no drinking talaga. I ate fruits and vegetables. Matagal na ako nag-di-diyeta, kalahati ng buhay ko nag-di-diyeta ako, diba. Baka naman sabihin ng tao na nagyayabang ako pero parang madali ako mag-switch on pag gusto ko mag-diyeta. Half of my life yun ang ginagawa ko.  Hindi ako malakas kumain yun nga lang tabain talaga ako. Wag lang ako makaamoy ng masarap na pagkain kundi meron na akong five pounds sa tiyan, hahaha! Ganun parin, ine-enjoy ko ang pag-di-diyeta kung paano ko sya ginawa before doble lang ang effort ngayon kasi ngayon may exercise saka may mga bata na inaalagan. Who is Lucho closer to, you or Ryan? Pareho. Pag andyan si Ryan lalapit sya kay Ryan, palipat-lipat sya pag andun kami pareho. Feeling ko ninanamnam nya ang moment na kasama nya kami, including Yohan. Lucho’s birthday is coming up. Are you planning any celebration? Simpleng mass sa bahay. Every month we try to give Lucho a little something to in a way thank God for giving him another month to live. Hindi naman bongga ang party ni Lucho, mili-military, parang sako-sako lang ang design, buha-buhangin, bato-bato lang ang design. Hahaha! But what we make it a point to do is video the party kasi si Yohan na-a-appreciate nya nung nakita nya ang DVD ng party nya when she was one year old. Nakita nya kung gaano kadami ang mga tao at gaano sila nag-enjoy. Regine Velasquez is about to give birth. What gift would you want to give her? Nag-o-offer nga ako na mag-cater sa baby shower pero hindi pa kami nag-uusap. Isa sa mga bagay na natutunan ko is when you have a baby shower you give something for the baby, but never really something for the mom. Kung magbibigay ka ng something for the mommy maganda magbigay ng something na oras pag manganganak na sya. Nung nanganak ako na-appreciate ko ang maternity pad, at isang linggo rin akong nasa ospital! Ang ma-a-appreciate ng babae ang mga hindi na nya kailangan bilhin sa ospital like pads, cottons, alcohol, damit ng baby na masusuot nya pagkapanganak, at Betadine.

SOURCE:   http://www.insidepinoyshowbiz.ph/story/judy-ann-santos-shares-her-slimming-secrets-talks-about-being-a-mommy

No comments:

Post a Comment