@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, October 12, 2011

Lucho at Miguel, nagkita


NAG-BIRTHDAY party si Lucho na anak nina Juday at Ryan sa Palacio de Maynila nu’ng Linggo at dumalo si Miguel, ang bunsong anak ni Sharon Cuneta.

Sina Lucho at Miguel, nagkita? Abaw, naulit ang Biblical tale?

At sino si Miguel sa buhay nina Sharon at Senator Kiko? Kiko told me na dumating si Miguel sa buhay nila three days after siyang ipanganak at dinala kay Sharon. Parang si Yohan na dinala rin kay Juday.

Uhum, talagang ‘magkapatid’ sina Shawie at Juday dahil may Yohan din si Juday. Mahal na mahal nila ang mga ‘anak’ nila kahit na hindi nila kamag-anak ang mga ito.

Now, they fully understand kung bakit parang ako ang nagsilang sa apo kong si John-john na hindi ko man kaanu-ano ay sobra ang lambing sa akin eh paanong hindi mo mamahalin nang husto?

Lumalaki si John-john na tila genius dahil ang paborito niyang mga babasahin after his playtime of the latest toys and games sa iPad 2 niya ay mga Ripley’s books at Guinness World Record books, and encyclopedia.

Kaya naman at 10 y/o, ang complete message niya sa akin ay: “To my one and only lolo, I pray always for your long life and good health. I am lucky beside you. When I grow up I will take care of you and protect you. Your loving apo John-john, your one and only apo”.

Gosh! Kaya bang isulat ‘yan ng isang adult?

Flashback kami ni Senator Kiko sa Hong Kong trip namin nina Sharon, Juday and Ryan bago sana siya kakandidato bilang vice president.

I asked him, nagbi*gay-daan na nga siya for Mar Roxas, how come wala siya sa kuwadra ni PNoy like si Mar na secretary na?

Eh kasi pala, may three years pa as senator si Kiko. We’ll know his plans daw come 2013.

***

Sobrang payat ni Sunshine Cruz ngayon. Tinutukso nga siya ni Cesar na nanghihingi raw ng ikatlong anak.

“Ano?! Baka ikaw lang ang may gusto!” ani Shine kay Buboy. Nagsumbong sa akin si Shine na ayaw siyang payagan ni Buboy na magbalik-showbiz eh ang dami raw offers sa kanya.

Sabi ko naman kay Buboy, payagan na niya si Shine na magtrabaho para may pera kami this Christmas.
Ewan ko kung nagbibiro rin si Buboy when he said, “Pag okay kay Ninong Alfie, okay na rin sa akin.”

Inulit lang niya ang sinasabi ko sa mga kumukuha kay Sunshine na, “Tawagan n’yo si Buboy. Pag okay sa kanya, okay na rin sa akin.”

***

Sa nakita kong mga magagandang bata na anak ng mga celebrities din ay sigurado akong hindi tayo kukulangin ng talents sa next generation.

Pogi ang 15-year-old son ni Jeffrey Santos na si Jas. Super pogi ang anak ni Julia Clarete, ganoondin ang son nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Magaganda sina Butching at Miel na daughters nina Sunshine at Sharon. Luma*laki ring maganda si Yohan.

Mana sa itsura nina Julius Babao at Tintin Bersola ang mga anak nila. Pogi ang dalawang anak ni Mylene Dizon kay Paolo Paraiso.

Nasa party rin ang mga kasama ni Ryan sa Eat Bulaga na sina Ruby Rodriguez at Anjo Yllana. Ang direktor ng PBB na si Direk Lauren Dyogi ay kasama ang misis niya, ganoondin ang kinatawan nina Raymart at Claudine na si Junjun Santiago.

Bukod sa paint ball shootings, nag-enjoy nang husto ang mga bata sa magic ni Alakim.

Ang bukod-tanging in-enjoy ni Lucho ay ang giant yellow cobra na hinimas-himas pa niya onstage.

Ang daming food stand serving hotdogs, siomai, ice cream at iba pa para sa mga bata bukod pa sa usual picture-taking for souvenir photos.

Pag-uwi, may bitbit pang army bags ang mga bata na may lamang mga laruan at sari-saring kakanin.

Indeed, it was a fanta*bulous party for a one year old. Hintayin nating maging teenager si Lucho at tiyak na siya ang maging leader ng mga batang dadalo sa birthday party niya!

Happy birthday, my dear Lucho!
 
SOURCE:  http://www.abante-tonite.com/issue/oct1211/showbiz_al.htm

No comments:

Post a Comment