@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, October 12, 2011

Miguel bitbit ni Sharon sa b-day party ni Lucho Lucho, napangiti sa yellow cobra!






Ang birthdate ni Lucho nina Juday at Ryan ay nu’ng Biyernes, Oct.7, pero nung Linggo, Oct. 9 ginanap ang birthday party niya sa Palacio de Maynila na may temang paintball party para sa mga kaibigan nila.

‘Yun kasing mismong b-day ni Lucho, na nag-one year old na ay sinelebra ng pamilya nila. Tulad ng kasal nina Juday at Ryan na pampamilya lang, sinunod ang reception para sa mga close friends nila sa Rockwell. Ganito rin ang ginawa nila for Lucho na sa Palacio de Maynila.

Punung-puno ang venue ng sangkatutak na friends ng mag-asawa led by Sharon and Senator Kiko with their daughters and only son, Miguel. Nandun din si Mylene Dizon with her two makulit sons by Paolo Paraiso with Mylene’s boyfriend Ira.


Bitbit din nina Julius Babao at Tintin Bersola ang mga tsikitings nila. Ganoon din si Julia Clarete na kay pogi ng anak na lalake at listong-listo.
Kasama rin nina Cesar Montano at Sunshine ang two daughters nila.
Pati si Anjo Yllana at mga tsikiting, si direk Kauren Dyogi and misis, Junjun Santiago (brod of Randy & Raymart), Gla­dys Reyes at tatlong tsikiting niya at iba pang mga guests na na-missed namin dahil late na ka­ming dumating ng apo kong si John-John na sa Pam­panga pa galing at uuwi rin ng gabing ‘yun.

Mabuti na lang ‘di bumaha sa lugar nila sa Pampanga at pati exclusive school ni John-John ay naligtas sa baha.


Natural dahil one year old pa lang si Lucho hindi pa niya ma-enjoy nang husto ang party niya and he seems bored throughout the evening. Pero nu’ng umakyat silang mag-anak sa stage at pi­nahawak sa kanya ang yellow cobra ay napa­ngiti ang loko. Lubos din namang nag-enjoy ang lahat ng mga bata sa magic ni Alakim and they kept shouting for “more! more!”


Narito ang ilang exclusive photos na kuha ni Jeff Carpio para sa mil­yones na fans nina Juday at Ryan at ni Lucho na rin na matagal ng nangungulit sa akin ng bagong photos ni Lucho.
Hayan na mga Hong Kong fighters, & Elvie (hoy, wah ka na contact ha), enjoy!!!!

SOURCE: http://www.abante.com.ph/issue/oct1211/ent_al.htm

No comments:

Post a Comment