@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, October 16, 2011

Judy Ann Santos: dalawang mukha ng isang ina!


 
 
 
 
 
 BY RINO FERNAN SILVERIO
Tulad ng kanyang ipinangako noon na after giving birth to Baby Lucho na pag one year-old na ito, magbabalik-trabaho na siya: ‘yun nga ang ginawa ni Juday (Mrs. Judy Ann Santos- Agoncillo). Nang dumating ang offer na mag-host siya ng isang kiddie reality show, ang ‘Junior Master Chef’ (paligsahan ng pagluluto ng mga batang chef o cook) tinanggap kaagad niya iyon. And she finds it very enjoying and rewarding; una, nag-aaral naman siya ng culinary arts aside from the fact na for a time, nagtayo siya ng isang restaurant noon, di ba? Kaya very happy si Juday dahil bukod sa pag-arte na itinuturing niyang passion niya, nabigyan siya ng pagkakataon na maging show-host sa TV.
Sabi nga ng actress-turned TV host: “Yes, nage-enjoy ako ng sobra. Kasi, ang gaan din ng trabaho. Nagkaroon ako ng pagkakataon na may iba pang matutuhan aside from acting. Big step ito sa career ko.”
Very happy rin si Juday sa patuloy na pagsigla at paglago ng relasyon nila ng asawang si Ryan Agoncillo. Tulad ng alak, habang tumatagal, lalo raw itong sumasarap.
“Sa palagay ko, sa isang relasyon, kailangan kayong mag-unawaan at magbigayan. Hindi puwedeng pareho kayong matigas. parehong pinaiiral ang pride. Importante rin yung open yung communication ninyong dalawa. Hindi naman nawawala yung isyu, yung problema. pero dapat, kayong dalawa lang ang mag-usap at lumutas nun, dahil kayo ang may problema”, sabi pa ng aktres.
Pero sa lahat daw, ang mas nagbibigay sa kanila ni Ryan ng sobrang ligaya- at mas nagpapatibay at nagpapatatag ng kanilang relasyon- ay ang kanilang bunsong anak na si Baby Lucho. Lalo’t araw-araw, habang lumalaki, marami na itong natututuhan.
“Makulit na!”, natatawang pagkukuwento pa ni Juday. “Hindi lang yun, malikot at maingay na. Nagmana sa tatay niya sa kadaldalan. At meron na siyang ugali na kapag ubos na yung pagkain niya at gusto pa niya, sisigaw na yan. At pag na-feel niya na wala ako sa tabi niya, tatawag na yan ng: ‘ma’!”
At this point in her life daw, kung tutuusin ay wala nang mahihiling pa si Juday. Successful ang kanyang showbiz comeback, maganda at patuloy pang gumaganda ang samahan nila ng asawang si Ryan; at bilang pamilya, masasabing kumpleto na sila. May dalawa na silang anak- si Yohan na panganay ay babae; at ang bunsong baby boy na si Lucho. Na ‘apple of the eye’ dinhindi lamang nila ni Ryan, kundi maging ng elder sister nitong si Yohan.
“Lalo pa ngayong malikot at makulit na si Lucho habang nilalaro niya”, sabay tawa pa ni Juday.
Pero hindi lubos ang kaligayahan ni Juday. Bilang ina nina Yohan at Baby Lucho, siya lamang ang nakadarama ng tunay na damdamin ng kanilang adopted baby girl na si Yohan. Mother instinct ang nagsasabi sa kanya, bago pa dumating sa kanilang pamilya si Baby Lucho, marami nang katanungang lumilito sa murang isip at damdamin ng kanilang ampon. Sa kabila ng hindi sila nagkukulang dito ng pagmamahal at atensyon- at inari nila ito sa mula’t-mula pa bilang isang tunay na anak- marami nang katanungan sa isip nito. Kaya raw ingat na ingat sila ni Ryan sa unti-unting pagpapaliwanag kay Yohan tungkol sa tunay niyang pagkatao.
Lalo na nga nung dumating sa buhay nila si Baby Lucho. Mas lalo raw luminaw at mas nagrehistro ang katanungan at emosyong lumilito rito na ‘kakaiba’ siya, dahil ngayon ay si Baby Lucho na nga ang sentro ng atensyon ng lahat. Ngayon pa lang, kahit papa’no, nakakadama na ito ng kaunting jealousy, ng inggit.
“sa ngayon, naka-focus lang kami sa kanya sa page-explain whenever magtanong siya tungkol sa ganito; sa ganyan, in a very honest way. In a manner na parang magkaibigan lang kami na nag-uusap.”
Noon pa raw kasi, madami na itong tinatanong. Kaya madalas, inuunahan na ito ni Juday. “You want still to see your mom? You just let us know ha?”
Pero nagtatapang-tapangan lang si Juday bilang nanay ni Yohan. Ngayon pa nga lang, marami na itong mga tanong na halos hindi na niya masagot. Paano kung lumaki na ito at ang mga katanungang bata na hindi nasasagot ay mauwi sa isang mother and child confrontation? Paano kung sa bandang huli, siya pa ang sisihin nito?
Napa-iling na lang si Juday at sa malungkot na tinig ay sinabi nitong: “Ipinagdarasal ko na lang gabi-gabi na sana paglaki niya, ma-accept niya kung ano ang tunay na nangyari.”
Judy Ann. Ina. Oo, isang ina.

SOURCE:  http://sssip.wordpress.com/2011/10/16/judy-ann-santos-dalawang-mukha-ng-isang-ina/

No comments:

Post a Comment