Taong 2008 nang magumpisa ang Talentadong Pinoy, at noon ay mabibilang lang ang mga TV commercial nito, hanggang sa naging word of mouth ang reality show. Sa nakalipas na mga taon, kapansinpansin na punumpuno na ng ads at masasabi nang money-maker ng TV5 ang Talentadong Pinoy, na lumalaban din sa ratings game.
Kaya naman masaya ang husband ni Judy Ann Santos sa magandang feedback ng programa niya.
“Pangatlong championship na namin ito and mag-i-start na `yung pang-apat na taon namin.
“Masarap, kasi iba na naman ito, eh, iba na naman itong batch na ito and from what I heard with the staff, eh, this is our biggest show in terms of prices, and then, even the venue is different,“ kuwento ni Ryan nang makatsikahan namin sa pagharap kamakailan ng Hall of Famers ng Talentadong Pinoy.
Gagawin sa Quezon Memorial Circleang Talentadong Pinoy Battle of the Champions dahil malaki ang venue, at maglalagay daw ng super-laking tent to cover the area.
Samantala, inamin ni Ryan na taun taon, tuwing Grand Finals, ay nakikipagpustahan siya sa mga staff ng Talentadong Pinoy tungkol sa kung sino ang mananalo. Sinabi ni Ryan na nanalo siya sa pustahan sa unang season.
Natalo naman siya noong nakaraang season, at ngayon ay magpupustahan uli sila, pero ayaw sabihin ni Ryan kung sino ang bet niya.
Samantala, ang walong hall of famer ng Talentadong Pinoy na maglalaban-laban sa Sabado ay sina Melbelline Caluag, Craig and Samantha Abaya-Campos, Daniel Darwin, Monica Ragalario, Rhyzza Nikol Kafilas, Sustantivo at Ivy Grace Paredes. Sa Linggo, Mayo 6, malalaman ang mananalo.
source here
No comments:
Post a Comment