0
0
0
Photo By: Allan Sancon
Excited na si Ryan Agoncillo dahil sa nalalapit na pangatlong Battle of the Champions ng hinu-host niyang talent show sa TV5, ang Talentadong Pinoy, na magaganap sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City sa May 5 at 6.
Ayon kay Ryan, “Pangatlong championship na ito at pang-apat na taon na namin kasi nag-start yung show 2008.
“Because the first championship took a year-and-a-half bago namin nabuo.
“Masarap kasi, iba na naman ito, e, iba naman itong batch na ito.
“From what I’ve heard from the staff, this is our biggest show in terms of presentation, prizes kasi bukod sa isang milyon, at brand new car, sigurado nang magiging representative sa WCOPA [World Championships of Performing Arts sa Hollywood] ang winner.
“Dati kasi there was a chance lang na makasama sa WCOPA, ngayon talagang kasama na.
“And then even the venue is different. We did not go for the usual venue na coliseum.
“Yun nga sa Quezon Memorial Circle magkakaroon po ng big tent. Medyo malaki po yung setup.
“And then for the past few months ng Talentadong Pinoy, one night na lang kami. Again, for the grand finals, babalik kami sa two-night format.
“Performance night will be on Saturday [May 5] at results night will be on Sunday [May 6].”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa presscon ng Talentadong Pinoy grand finalists sa TV5 Broadway Studio sa Broadway Centrum Quezon City kaninang hapon, Abril 30.
Walong grand finalists ang magtatagisan ng galing at talento sa Battle of the Champions na kinabibilangan ng Hall of Famers na sina power belter Ayegee, kundiman singer Melbelline, dance group Dancing is Fun, ballroom dancing duo Craig and Samantha, hula hoop-fire dancer Astroboy, pole dancer Sustantivo, sand artist Monica, at ang Wildcard Talentado na si RnB singer Rhyzza.
Ang Ultimate Talentado ay malalaman mula sa pinagsamang boto ng mga hurado (50 percent) at text votes ng sambayanan (50 percent).
FUN BET. Sa mga nakaraang grand finals ay inamin ni Ryan na maski sila sa produksyon ng Talentadong Pinoy ay nagkaroon ng pustahan kung sino ang tatanghaling Ultimate Talentado.
Pero paglilinaw niya, katuwaan lang naman daw ito at hindi malakihang pustahan.
“Definitely, napag-usapan nga namin iyan sa Facebook noong isang gabi.
“Every year, to spice things up, mula noong ginagawa pa namin ang Philippine Idol [ang unang talent show ng TV5 bago pa ang Talentadong Pinoy] meron na kaming… hindi naman malaking pustahan, maliit na pustahan lang kung sino ang bet namin.
“Nanalo ako noong first year, e, nung time ni Yoyo Tricker. Ako yung nanalo.”
Ayaw mang sabihin ni Ryan kung magkano ang napanalunan niya sa pustahan, isa lang daw ang sigurado, naging masaya silang lahat.
“Ang alam ko, nakainom kaming lahat noon, e. Kasi buong staff kasama ko. Parang pang-blowout lang.
“Kung sino ang nananalo nagbo-blowout.
“Last year hindi ako nanalo. This year meron na akong pusta.”
Ano ba ang basehan nila kung kanino nila ilalagay ang pusta nila?
“Kami kasi, binabase namin yung pagkapulido ng performance.
“Because at this level, nakapag-prepare na sila nang matagal. Kanya-kanyang bala na ‘yan.
“Kung sino na lang yung magmo-moment ba, yung ‘A, ito may ibibigay pa ito bukas.’
“Kasi usually ang betting namin, nagtatapos sa rehearsal the day before the grand finals.
“Kasi may mga talentado, magaling, pero because of pressure, dun sila nagkakamali.
“We’ve seen past champions whom we expected to be at the forefront of the competition. Pero either naging overconfident o meron namang sa sobrang ensayo ay napagod, pagdating sa performance, wala na.
JUDAY’S CHOICE. Kahit daw ang asawa ni Ryan na si Judy Ann Santos ay may personal choice din sa grand finalists.
Nagkakapareho ba sila ng pinipili?
“Hindi, e. Iba-iba kami ng napipili.”
Nagkakaroon din ba sila ng debate tungkol dito?
“Oo, kung sino ang iboboto namin sa text.
“Kasi minsan papaubusin niya yung load ko. Pero hindi ako pumapayag kasi baka manalo yung bata niya.
“Siyempre gusto ko bata ko yung manalo!” natatawang sabi ni Ryan.
Hindi naman daw kasama si Juday sa pakikipagpustahan sa staff. Meron daw silang dalawa na sariling pustahan.
PAST WINNERS. Marami ang naku-curious kung ano na ang nangyari sa mga nakaraang winners ng Talentadong Pinoy na Yoyo Tricker (Season 1) at Joseph The Artist (Season 2).
May alam ba si Ryan tungkol dito?
“Si Joseph, won the WCOPA. He won a special award. And so did Yoyo Tricker, nanalo rin.
“Si Joseph, I don’t know kung nagtuluy-tuloy siya sa CCP [Cultural Center of the Philippines].
“Nagkaroon kasi siya ng opportunity na magturo ng sand art at mag-perform din.
“He’s in a very prestigious position sa CCP a couple of months back.
“Binata na rin, e. Hindi natin alam baka nasa teen shows na siya sa susunod.
“Yung iba pang winners, like si Makata-tawanan, he’s in the news [programs ng TV5]. He’s doing very well.
“Si Wanlu, nagkikita kami minsan sa birthday parties at saka naging part din siya ng Wow Mali.”
Natutuwa si Ryan na kasabay ng paglaki niya bilang TV host at artista ay gumagawa na rin ng sariling pangalan sa napili nilang larangan ang past winners ng Talentadong Pinoy.
“Actually, sabay-sabay kami na gumaganda ang career. That’s why mahal na mahal namin yung show.
“Kasi nung nag-start naman itong Talentadong Pinoy, wala namang pumapansin sa amin sa Novaliches, e. It took us eight months na mapansin.
“Ngayon tuluy-tuloy yung show, yung mga talentado are household names na rin.
“So, sabay-sabay kaming lahat naggu-grow kaya nakaka-proud.”
source here
No comments:
Post a Comment