Ipinagmamalaki ni Ryan Agoncillo ang walong finalists na maglalaban sa
finale ng Talentadong Pinoy sa May 5-6 sa Quezon Memorial Circle.
Sabi nito, kahit sino ang manalo kina Ayegee, Mhelbelline, Dancing is
Fun, Astroboy, Craig and Samantha, Rhyzza, Sus-tantivo at Monica ay may
karapatan maging Ultimate Talentado Champion dahil magagaling at
iba-iba ang talents.
Bukod sa P1 million cash, may brand-new car and the right to
represent sa World Championships of Performing Arts o WCOPA ang
mananalo. Naniniwala rin siyang magkaka-career ang winner pati ang
finalists.
Binanggit sina Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, Cong. Lucy
Torres-Gomez, pati si Judy Ann Santos sa guests sa finale at umaasa si
Ryan na makarating din si Nora Aunor. Hindi pa nito alam kung sino ang
inimbita ng TV5 na 12 talent scouts kung saan manggagaling ang 50
percent ng boto.
Isa sa finalist ang 15-year-old na si Melbelline Caluag na kundiman
ang kinakanta. Sa presscon, kinanta nito ang Kalesa ni Sylvia Latorre,
kung saan, ikinukumpara siya. Nagustuhan siya ng press dahil hindi birit
ang panlaban sa contest.
Medyo tumaba si Ryan dahil siguro sa ilang araw na bakasyon nila ni
Judy Ann sa Maldives na sabi ni Ryan maraming sexy, pero ang misis pa
rin ang pinakaseksi.
source here
No comments:
Post a Comment