Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa "Build a 100% Panatag World" campaign ng Lactum, na ini-endorse ng aktres, kahapon, May 19, sa Atrium ng SM Megamall.
Kaugnay nito, mag-iikot si Judy Ann Santos sa iba’t ibang malls sa bansa, partikular na sa ilang groceries kunsaan makikita ang ine-endorso niyang gatas.
Kuwento niya, "Ito pong linggong ito, magpupunta po kami sa Bataan. Para sa outreach program, para sa mga taong inaalagaan ko na mga Aetas. For the renovation of the school grounds, doon po ako naka-focus sa kanila.”
RYAN'S GIFT. Sabay na pinagdiwang ang kaarawan ni Juday at Mother’s Day sa naging Singapore trip nila.
Regalo raw lahat yun ng kanyang mister, kasama na ang isang pares ng magandang sapatos. Pero ayaw na nitong sabihin kung anong klaseng sapatos ang iniregalo sa kanya ni Ryan.
Ang ina ni Juday ay si Mommy Carol at ang mga magulang ni Ryan ay sina Mommy Rowena at Daddy Chito Agoncillo.
Malaking bagay din na kasama nila ang mga anak nila na sina Yohan at Lucho, kaya’t Singapore ang pinili nilang puntahan. Si Yohan daw ay nakaka-appreciate na ngayon ng mga theme parks.
“Palagi ko kasi siyang [Ryan] niyayayang pumunta ng Singapore. Kasi, si Yohan, gustong mag-Universal [Studios] at saka yung Sounds of the Sea.
"Bata pa lang si Yohan, memorize na niya yun and ngayon kasi, nakaka-appreciate na siya ng theme park. Tapos, malapit lang naman.
“Yun ang ni-request ko sa kanyang trip namin. At saka, ang sarap kasing kumain sa Singapore. Kaya kumain ako nang kumain.”
Dugtong pa ni Juday, “Alam kasi ni Ryan na kapag out-of-the country, masarap din na kasama mo ang mga magulang mo, di ba?
"At tamang-tama rin, Mother’s Day, magandang kasa-kasama namin ang mga mommies namin at that time.”
Six days and five nights daw sila sa Singapore.
BACK TO SOAP WORLD. Balita naman na magsisimula na siyang muli na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN. Mabuti at napapayag na siyang mag-soap ulit.
Natatawang sabi naman ni Juday, “Unang-una, kasama siya sa kontrata.”
"Hindi ko lang hinahanap yung puyatan. Hindi ko lang hinahanap yung schedule na araw-araw na halos hindi ka na makauwi, hindi mo na makikita yung mga anak mo.
“Pero yung ABS naman, guaranteed me na it’s not gonna be as hectic as before—noong dalaga pa ako.
"Sabi ko rin sa kanila, sa tunay na salita, wala namang pag-aarte na namumuo sa akin. Hindi ko lang talaga kaya ang puyatan.”
May cut-off daw siya ng 12 midnight.
Sabi pa ni Juday, “Gumigising naman ako ng alas-singko para ayusin si Yohan sa school.”
Si Sam Milby pa lang daw ang naririnig niyang makakasama sa bagong teleserye.
“Magkaibigan naman kami ni Sam. Pero malalaman ko this week kapag halimbawa, natuloy ang storycon at look test, yun na siguro ang magiging final casting.”
Mabilis na “Hindi, a!" ang sagot ni Juday nang tanungin kung siya ang namili ng leading man.
“Siyempre, may mga tanong pa rin na kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala namang nahindian," aniya.
Bukod sa oras, may iba pa ba siyang ni-request bago siya pumayag na gumawa uli ng teleserye? May iba pa ba siyang demands?
"Actually, wala naman. Yung cut-off lang talaga. Ayoko lang noon yung for airing palagi na taping.
"Kasi, parang buong buhay ko na-experience 'yan. Memorize ko na 'yan kahit tulog ako.
"At saka kasi, kapag may airing na mamayang gabi, hindi mo na mapupulido yung trabaho mo. Kasi, iniisip mo na kailangan, take one lang ‘to.
“Kakaisip mo nang kakaiisip, hindi mo na naitatawid nang maayos ang trabaho.
“So, yun lang ang nire-request ko na hangga’t maaari sana, kung puwedeng i-can, naka-can siya para hindi ngarag, di ba?
"Pag-uusapan kung hanggang anong month puwedeng i-can. Kasi sabi ko, baka puwedeng ayusin muna natin ang istorya.
"Kapag okay sa management, saka natin i-shoot. Para hindi rin tayo re-shoot nang re-shoot. Kasi, ganyan ang nangyari sa amin sa Habang May Buhay.
“I-can natin, pero huwag namang dalawang taon.”
CHOICE OF ROLES. Pagdating sa mga gagawin niyang teleserye, namimili ba siya ng role?
“Hindi, hindi. Lahat iyon under ABS, alam naman ng ABS kung ano yung mga carry kong gawin sa estado ngayon ng buhay ko.
“Sabi ko rin sa kanila, parang hindi na kakagatin ang loveteam sa teleserye lalo na kung ako ang gaganap.”
Iniiwasan din daw ni Judy Ann na mawalan ng oras sa pamilya ngayong may bagong teleserye at pelikula siyang gagawin.
“Kaya nga po kailangan na ano, naka-schedule nang maayos yung shooting kung saka-sakali mang mag-push through itong movie...
“Kasi iyon yung kailangan kong ayusin with ABS, kung paano ito magagawa nang hindi magpapatung-patong, kasi ang hirap 'pag wala ka nang choice.
“Ayoko namang magtrabaho nang malungkot ako, kasi hindi ko na nakikita yung mga anak ko.”
Exclusive contract artist si Judy Ann ng ABS…
“Sa TV production? Exclusive ako.”
GUESTING OUTSIDE HER NETWORK. Paano siya napapayagan na mag-guest sa mga shows ng TV5 tulad ng Talentadong Pinoy ni Ryan at Sharon: Kasama Mo Kapatid ni Sharon Cuneta.
“Ay hindi… with ABS naman meron naman kaming… ano na lang yun, parang respeto lang din nila sa amin ni Ryan na hindi na kailangan pang ‘barilin’ kung halimbawang, mag-guest ako kay Ryan or kay Ate Sharon.
“It’s given naman na hindi ako ang nagsimula ng show, e, kumbaga, guest lang naman.
“Even with GMA, ganun din naman, hindi naman ako as in super-exclusive ng ABS. For teleseryes, I am exclusive with them.”
MEGA MOVIE PRODUCTION. Bukod sa Cinemalaya entry ni Judy Ann na Mga Mumunting Lihim, posibleng gumawa rin ng isa pang malaking pelikula si Judy Ann ngayon. Nuong una, ayaw pa niyang sabihin kung anong pelikula ito.
“May isang malaking project na mangyayari this year. Ang hirap po, hindi ako makapag-announce kasi, hindi ko pa rin po nakakausap first hand ang mga producers.
"But definitely, it’s gonna be a big project. At least, for me, para sa akin.
“With the big companies and big stars as well.
“Hindi Star Cinema. Parang tatlong production e, ang magsasama-sama. I think ha, I’m not sure, kasi hindi ko pa rin sila nakaka-meeting nang maayos.”
Pang-Metro Manila Film Festival ba ang pelikula?
“Maaari, maaari… kasi sabi ko nga noong una, ang hirap ng Filmfest, ang ngarag,” natatawang sabi niya.
Nahulaan na rin ng entertainment press na posibleng ang pelikulang tinutukoy niya ay ang pang-MMFF entry na sanib-puwersa nina Bong Revilla at Vic Sotto kunsaan, siya na raw ang papalit kay Ai-Ai.
Sabi naman ni Juday, “Ako lang naman, wala namang problema. Susmaryosep! Hello naman! Ako pa ba naman ang... nakakaloka naman ako kung sabihin ko na pag-iisipan ko muna.
"Ang sa akin lang, gusto ko lang makausap yung company para malaman ko kung ano yung timeline ng shooting.
“Para hindi mag-overlap sa taping. Siyempre kasi ngayon, nakasalalay na sa pamilya. Sa mga anak, sa akin mismo. Hindi ko na kaya yung araw-araw, oras-oras.”
Nagkausap na ba sila ni Ai-Ai sa bagay na ito?
“Actually, natanong ko na si Ai-Ai about it. Siyempre, hindi ko naman puwedeng i-divulge ang napag-usapan namin. Pero nabanggit nga sa akin na 'Kino-konsider ka, bakla!'
“Tapos sabi ko, 'Ay iyon, bongga!'”
Kapag nagkataon, yung mga dati niyang kalaban sa filmfest, ka-join na niya ngayon.
Baka naman pati sila ng mister niyang si Ryan, magkalaban na rin?
“Wala naman kaming isyu kay Rye pagdating sa mga bagay na yan… basta may pera. Ay!” natatawa niyang sabi.
Biro tuloy kay Juday—pera-pera na lang?
“Hindi naman… I mean when it comes naman to acting and career, wala naman kaming isyu sa ganyan.
“Lahat naman ito e, trabaho, di ba? Kung anu’t-anuman pareho naman kaming magbe-benefit sa resulta kung saka-sakali at wala naman kaming isyu pagdating sa trabaho, as long as yung time for the family hindi nakakalimutan.”
COCO AND JOHN LLOYD.Tuloy ba yung pelikula niya sa Star Cinema na ang kasama niya ay si Coco Martin at si John Lloyd Cruz?
“Hindi ko rin alam e, kasi mas busy pa sa salitang busy yang dalawang binatang 'yan, e.”
Pero interesado siya?
“Oo naman, oo naman. Basta siguro two years from now,” at tumawang muli ang aktres.
“'Pag natapos siguro yang mga projects na yan, magpapahinga muna ako sa bahay ng mga tatlong buwan siguro kung saka-sakali.”
Six days and five nights daw sila sa Singapore.
BACK TO SOAP WORLD. Balita naman na magsisimula na siyang muli na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN. Mabuti at napapayag na siyang mag-soap ulit.
No comments:
Post a Comment